Nakisalo ang Letran College sa liderato makaraang makamit ang ikaanim na panalo sa pitong laro pagkaraang pataubin ang Arellano University, 79-62, kahapon sa NCAA Season 90 juniors basketball tournament sa Fil-Oil Flying V Arena sa San Juan City.

Matapos hindi makaiskor sa first period, nagsalansan si Joshua Gonzales ng 17 puntos sa huling tatlong periods upang pangunahan ang nasabing panalo ng Squires.

Mula sa 16-15 na kalamangan sa first canto, nagsimulang kumalas ang Squires sa second frame sa pamumuno nina Gonzales at Tommy Gedaria nag[oste ng pinagsamang 11 puntos sa naturang yugto ng laro upang maitayo ang 39-31 na kalamangan sa halftime.

Pagdating the third canto, humalili naman sa kanila sa pagpapatuloy ng kanilang opensa sina Klyve Dungan at Jerrick Balanza na lalo pang nagpalobo sa kanilang kalamangan, 67-42 papasok ng final canto.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nag-ambag ng 16 puntos si Galanza, 13 puntos si Dngan at tig-10 puntos naman sina Gedaria at Rhaniel David para sa panalo na nagbaba naman sa Baby Chiefs sa pagtatapos g kanilang first round campaign sa barahang 4-4, panalo-talo.

Sa kabilang dako, nauwi naman sa wala ang game-high na 24 puntos ni Guilmar de la Torre na kinapos sa suporta mula sa kanyang mga kakampi.