TOLEDO, Ohio (AP) – Nagdeklara ang gobernador ng Ohio ng state of emergency sa hilaga-kanlurang Ohio, na may 400,000 katao ang binigyang babala laban sa pag-inom ng tubig.
Inilabas ng mga opisyal ng Toledo ang babala matapos matukoy sa pagsusuri ang lason na posibleng nagmula sa algae sa Lake Erie.
Apektado ng babala ang ilang bahagi ng Toledo, gayundin ang mga lugar sa timog-silangan ng Michigan.