KIDAPAWAN CITY – Inatasan ng provincial board ng North Cotabato ang lahat ng pamahalaang lokal sa lalawigan na pahintuin ang mga operasyon ng Bingo Milyonaryo (BM) sa kani-kanilang lugar.

Sa urgent resolution na ipinasa noong Hulyo 31, 2014 ng Sangguniang Panlalawigan ng North Cotabato, hinimok nito ang lahat ng alkalde na ipagbawal ang BM sa buong probinsiya.

“Even if Bingo Milyonaryo is legal, still, it will destroy the moral foundation of a family,” sinabi ni Cotabato 1st District Board Member Loreto Cabaya.

Nilinaw naman ni Senior Supt. Danny Peralta, provincial director ng North Cotabato Police Provincial Office, na ang Resolution Number 379 ay “mere directory” at walang ipapataw na parusa sa mga alkalde o residente na hindi tatalima rito. - Malu Cadelina Manar
National

Nika, palabas na ng PAR; Ofel, mas lumakas pa habang nasa PH Sea