Kalaboso ang 42 Chinese at Taiwanese nang sorpresang salakayin ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang bahay sa Pampanga na sinasabing sangkot sa telecom fraud.

Sa report ng NBI, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa China tungkol sa ilegal na operasyon ng mga suspek kaya agad silang kumilos na nagresulta sa pagdakip sa mga suspek.

Dalawang bahay ang sinalakay ng NBI sa Angeles City at San Fernando, Pampanga pero hindi sila nagbigay ng kumpletong detalye dahil nagpapatuloy pa ang operasyon para madakip ang iba pang suspek.

Napag-alaman sa NBI na modus operandi ng grupo ang manloko at kikilan ang mga kapwa Chinese sa mainland China sa pamamagitan ng paggamit ng telepono.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nakumpiska sa raid ang mga telepono at script na ginagamit sa ilegal na operasyon.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 8484 o Access Devices Regulation Act of 1998 laban sa mga naaresto.