Umaatikabong aksiyon ang matutunghayan ngayon ng Bayang Karerista kaalinsabay ng PCSO National Grand Derby na lalahukan ng limang mananakbo sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Nakataya ang P800,000 premyo para sa tatanghaling kampeon kung saan ay magkakagitgitan ang magkakalaban sa distansiyang 1,600 meters.

Nakahanay sa event ang Manalig Ka, Fire Bull, Malaya, Tap Dance at Wild Talk.

Tatanggap naman ng P350,000 ang pangalawa, P200,000 sa ikatlo at P150,000 para sa 4th place.

National

5.0-magnitude na lindol, yumanig sa Eastern Samar

Mabebenipisyuhan sa nasabing karera ang Pugad Lawin sa North View para sa medical charitable missions.

Bago ang PCSO NGB, unang matutunghayan ang 2-Year-Old Maiden race na kapapalooban ng Winner Take All sa race 1 at pinapaboran dito ang Burbank laban sa Silky Jockey, Leona Lolita at Only the Best.

Sa race 2, ang Class Division 3 na panimula ng 1st Pick 5, pinapatok ang Expect Patronum habang ang 1st Pick 6 ay lalarga sa race 3 na paglalabanan ng 13 kalahok para sa 3-Year-Old Maiden B at C.

Patok naman sa race 5, ang Class Division 4, ang Marinx na sasakyan ni class A jockey Jessie Guce na susundan naman ng Class Division 5 sa race 6 kung saan ay binibigyan natin ng malaking panalo ang couple entry na Zapima at Prince Popeye.

Magsisimula naman ang Pick 4 sa race 7 na paglalabanan ng 10 mananakbo at magiging paratingan sa WTA ang My Hermes, Conqueror, Paramera at Fast Forward.

Minamataan naman ang wala pang talo na Providence sa race 8 at Danzcotic, Tin Man, at Fields of Gold sa race 9.

Mahigpit namang maglalaban para sa Handicap Race 3, kapapalooban ng 2nd Winner Take All at Super 6, ang Dragon May, Musashi at couple entry na Billy the Kid at Strategic Manila.