Sinisi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa buhulbuhol na trapiko sa EDSA, partikular sa Katipunan Avenue at C-5 Road, dahil pinahintulutan umano ng huli na dumaan ang mga truck sa naturang mga lansangan.

Sa tala ng MMDA, tumaas ng 80.67 porsiyento ang truck na dumaraan sa Katipunan Avenue—sa harap ng Ateneo Gate 3—matapos palawigin ng LTFRB noong Hulyo 21 ang implementasyon ng “No Apprehension Policy”.

Batay sa LTFRB Board Resolution No. 05 Series of 2014, lahat ng for-hire truck na may green plate ay malayang makadadaan sa C5 para sa isang buwang extension mula Hulyo 29 hanggang Agosto 29 nang walang pangamba sa panghuhuli.

Noong Hulyo 25, natukoy na 14,380 truck ang bumiyahe sa Katipunan, na kinaroroonan ng Ateneo de Manila University at Miriam College, at ayon sa MMDA ay dumoble ang bilang mula sa 7,959 noong 2013.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

“Our records only justify that vehicular bottleneck along Katipunan Avenue is the adverse effect of the new truck issuance of the LTFRB,” sabi ni Tolentino.

Mariin namang itinanggi ni LTFRB Chairman Winston Gines na ang nasabing polisiya sa mga truck na may berdeng plaka ang sanhi ng pagkabuhul-buhol ng trapiko sa mga lansangan kundi ang hindi pagsuspinde sa truck ban na ipinatutupad ng MMDA sa Metro Manila, partikular sa EDSA, C5 Road, Katipunan Avenue at Commonwealth Avenue.