Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa publiko na balik na sa normal ang operasyon ng Regional Consular Office ng kagawaran sa Tacloban (RCO-Tacloban) simula noong Hulyo 14.

Bukas sa publiko ang RCO-Tacloban mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes.

Matatagpuan ang RCO Tacloban sa Leyte SMED Center, Provincial Capitol Grounds, Sen. Enage Street, Tacloban City at maaaring tawagan sa (053) 321-8233.

Sa mga naghain ng e-Passport application sa RCO Tacloban matapos ang pananalasa ng bagyong ‘Yolanda’, maaari nang kunin ang kanilang e-Passport hanggang Setyembre 30, 2014. Maaaring tumawag ang mga aplikante sa RCO-Tacloban para sa listahan ng unclaimed e-Passports.
Eleksyon

TINGNAN: Listahan ng mga aspirants na nag-file ng COC at CONA ngayong Oct. 3