NAPANOOD namin ang teaser ng Encantadia 2016 na mapapanood na sa GMA-7 sa susunod na buwan at nagandahan kami.Malapit sa puso namin ang naturang fantaserye na ang isa sa pinakagusto naming programa sa GMA noong 2005 at talagang pinag-usapan nang husto sa buong Pilipinas...