Kalaboso ang isang lalaki nang manggulo sa harapan ng isang simbahan habang idinadaos ang Simbang Gabi sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng madaling araw.Nasa kustodiya na ng Calabash Police Community Precinct (PCP), na sakop ng Manila Police District (MPD)-Station 4, si Mark...
Tag: balita
200 pulis na sinibak sa Caloocan, sa SPD na
Itatalaga sa pitong himpilan ng pulisya sa katimugang bahagi ng Metro Manila ang 200 pulis na sinibak sa Caloocan City Police matapos sumailalim sa re-training ng National Capital Regional Police Office (NCRPO).Kinumpirma kahapon ni Southern Police District (SPD) director,...
Holdaper pinatay ng biniktima
Ni ALEXANDRIA DENNISE SAN JUANIsang umano’y magnanakaw ang napatay habang sugatan naman ang dalawang kasamahan niya matapos silang pagbabarilin ng kanilang biniktima habang tumatakas sila bitbit ang P560,000 cash at ilang mobile phone mula sa hinoldap nilang tindahan sa...
Bagsik ng kalikasan
ni Celo LagmayHINDI pa man humuhupa ang bagsik ni ‘Urduja’ pagkatapos ng limang landfall nito sa iba’t ibang panig ng kapuluan, isa na namang bagyo na pinangalanang ‘Vinta’ ang nagbabadyang manalasa sa bansa.Hanggang sa mga oras na ito, mahigit 30 na ang iniulat na...
Hindi mauubos ang tulad ni Fr. Paez
ni Ric ValmonteINIHATID na sa huling hantungan ang labi ni retired priest Fr. Marcelito “Tito” Paez na tinambangan habang sakay sa minamaneho niyang kotse sa Jaen, Nueva Ecija noong Disyembre 4. Ang pare ay coordinator ng Rural Missionaries of the Philippines. Ilang oras...
Tunay na diwa ng Pasko, pag-ibig sa kapwa tao
ni Clemen BautistaBAWAT bagay ay may panahon. May panahon ng mga pula at puting rosas na namumukadkad sa mga luntiang halamanan. Nakabilanggo sa makipot na kahong plastik na kulay bughaw. Natatalian ng pulang laso na palalayain naman ng malalambot at mapuputing kamay. May...
Umento para sa iba pang kawani ng gobyerno
INAPRUBAHAN ng Kamara de Representantes ang House Joint Resolution (HJR) 18 na nagdodoble sa sahod ng mga sundalo at pulis. Naisumite na ito sa Senado para sa resolusyon.Hindi natin alintana noon kung gaano kaliit ang sinusuweldo ng mga sundalo at pulis sa bansa. Saksi tayo...
10,336 huli sa yellow lane
Aabot sa 10,336 na pribadong motorista ang nahuli ng mga traffic enforcer sa non-contact apprehension policy ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa paglabag sa yellow lane sa EDSA.Nahuli ang mga lumabag na motorista simula nang ipatupad ang yellow lane...
Biometrics sa NAIA, int'l airports
Inilunsad ng Bureau of Immigration (BI) ang biometrics-based system para sa mga computer sa iba’t ibang international airport sa bansa, bilang bahagi ng pagsisikap na baguhin ang operasyon nito at mas paghusayin ang kakayahang mahadlangan ang pagpasok ng mga hindi...
DoH: Umiwas sa sakit ngayong taglamig
Ni Mary Ann SantiagoPinaalalahanan kahapon ng Department of Health (DoH) ang publiko na ingatan ang kanilang kalusugan dahil sa paglamig ng panahon bunsod ng papalapit na Pasko, na sinabayan pa ng pananalasa ng bagyong 'Urduja' sa bansa.Ayon sa DoH, partikular na dapat...
Imbestigasyon sa P6.4-B shabu shipment tatapusin na
Tatapusin na ng Department of Justice (DoJ) ang preliminary investigation nito sa reklamong inihain ng Bureau of Customs (BoC) kaugnay sa P6.4 bilyon ilegal na drogang nasabat noong Mayo.Sinabi ni Assistant State Prosecutor Charlie Guhit na umaasa siyang matatapos nila ang...
Duterte sa Malacañang photo shoot: Kadugo ko 'yan eh
Ipinatanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang apo na si Isabelle Duterte na binatikos ng netizens matapos ang ang kanyang pre-debut photo shoot sa Malacañang nitong nakaraang linggo.Si Isabelle, anak ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, ay nagsama ng mga sikat...
Same-sex marriage OK kay Digong
MANO PO, PA. Nagmamano kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang anak niyang si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pagdating niya sa Lanang, Davao City para pagtitipon ng LGBT community, nitong Disyembre 17, 2017. Nina ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS at BETH CAMIANagpahayag ng...
Ex-mayor walang SALN, kinasuhan
Kinasuhan sa Sandiganbayan ng paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees (Republic Act No. 6713) si dating Bubong, Lanao del Sur mayor Usoph Munder dahil sa hindi paghain ng Statement of Asset, Liabilities and Networth...
Biay bagong EPD chief
Itinalaga bilang bago director ng Eastern Police District (EPD) si P/Chief Supt. Reynaldo Biay.Pinalitan ni Biay si P/Chief Supt. Romulo Sapitula, na nahirang bilang bagong director ng Police Regional Office 1 (PRO1) kapalit naman ng nagretirong si P/Chief Superintendent...
Umali sa impeachment ni Sereno: Patas kami
Magiging patas ang pagdinig sa impeachment complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.Ito ang sinabi ni Rep. Reynaldo Umali (2nd District, Oriental Mindoro), chairman ng House Committee on Justice, nang pasalamatan si Supreme Court (SC) Associate Justice Arturo...
LGBT bibigyan ng kinatawan sa PCUP
Matapos italaga si 2009 CNN Hero of the Year Efren Peñaflorida sa Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP), nais din ni Pangulong Rodrigo Duterte na maglagay ng kinatawan ng lesbian, gay, bisexual, at transgender (LGBT) sa ahensiya.Sa pagdalo ng Pangulo sa yearend...
Murang data transmission target
Mura at epektibong data transmission industry ang mararanasan ng bansa sakaling mabuksan ito sa ibang kumpanya.Ayon kay Senador Bam Aquino, aprubado na sa Kamara ang kaparehong batas na kanyang isusulong sa Pebrero.“Kapag naipasa ito, it’s like an open invitation for...
3 'gangster' na PNP officials sisibakin
Ipinatatanggal ni Pangulong Duterte sa serbisyo ng Philippine National Police (PNP) ang tatlong pulis na may ranggong superintendent dahil umano sa pagiging kurakot at "gangster".Sa speech ng Pangulo sa birthday party ni Sen. Manny Pacquiao sa General Santos City, sinabi...
2 naaktuhan sa pagtutulak, huli
CABANATUAN CITY – Arestado ang dalawang umano'y tulak ng droga nang nahuli umano sa aktong nakikipagtransaksiyon sa Barangay Bantug Norte, Cabanatuan City, nitong Biyernes ng gabi.Dinampot ng mga opisyal ng barangay sina Ian Fernando y Magana, 22, binata; at Emily Magno y...