Inanunsyo sa publiko ni House Ethics Committee Chair Rep. JC Abalos na magpapadala raw sila ng sulat kina Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga at sa mga naghain ng reklamo laban dito upang magkaroon muli sila ng pagpupulong sa susunod na linggo kaugnay sa pagkakasuspinde nito sa Kamara. 

Matatandaang sinabi ni noon ni Tingog Party-list Rep. Jude Acidre na ang kasalukuyang suspensiyon ni Barzaga, na inaasahang magtatapos sa unang bahagi ng Pebrero, ay saklaw lamang ng mga paglabag na nakapaloob sa unang ethics complaint na inihain laban sa kaniya.

KAUGNAY NA BALITA: Extended? Suspensyon kay Rep. Barzaga, posibleng pahabain pa ng nakaambang 2nd ethics complaint

Ayon naman sa naging pahayag ni Abalos nitong Miyerkules, Enero 28, sinabi niyang hindi lang daw sila kay Barzaga nagpadala ng sulat kundi pati na rin sa mga complainants ng ethics complaints na kasalukuyang kinakaharap ng nasabing mambabatas at mga miyembro ng Committee on Ethics. 

National

Sultan Kudarat, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

“Today, nakipag-meeting po ako sa ating Committee Secretariat at kami po ay magpapadala ng sulat, hindi lamang sa respondent, pati na rin po sa ating complainants at sa lahat ng members ng Committee on Ethics,” aniya. 

Paliwanag ni Abalos, magpapadala na raw sila ng sulat sa mga nasabing indibidwal upang makumpleto na ang depensa at mga ebidensya sa nasabing reklamo kaugnay sa ethics complaints ni Barzaga, at para magkaroon din umano ng maayos na talakayan sa gaganaping pagpupulong sa susunod linggo. 

“Para next week, sa ating Committee meeting, kumpleto po ang defense, kumpleto rin po ang mga evidences, at of course, at least magkakaroon tayo ng maayos na talakayan para ma-guide din po ang aming Committee members at ng Congress,” pagtatapos niya. 

Matatandaang ding Disyembre 1, 2025, masupalpal ng Kamara si Barzaga nang suspendehin siya nito ng 60 araw nang walang suweldo  base sa rekomendasyon ng House ethics committee.

MAKI-BALITA: 'Guilty sa ethics complaint!' Kiko Barzaga, 60 araw suspendido, wala ring suweldo

Si Abalos din ang nagbasa ng findings ng komite kay Barzaga ng disorderly behavior dahil sa umano’y hindi angkop at bastos na mga post at larawan sa kaniyang social media accounts.

Umabot sa 249 kongresista ang bumoto pabor sa suspensiyon, habang 11 ang nag-abstain at 5 ang kumontra.

MAKI-BALITA: Hirit ni Rep. Barzaga sa opening prayer ng Kamara: 'Wala namang diyos mga buwaya doon!'

MAKI-BALITA: Reklamo na naman? Rep. Kiko Barzaga, kinasuhan ng cyber libel ni Manila Rep. Valeriano

Mc Vincent Mirabuna/Balita