SPORTS
Aussie wrestler, sabit sa doping
SYDNEY (AP) — Inalis ng Australian Olympic Committee sa delegasyon si wrestling champion Vinod Kumar bunsod ng isyu sa doping. Ipinahayag ng AOC nitong Biyernes (Sabado sa Manila) na nagpositibo si Kumar sa kanyang paglahok sa African/Oceania Olympic qualifier sa Algeria...
Mickelson, luhaan sa British Open
TROON, Scotland (AP) — Mahigit isang dipa lamang ang layo ni Phil Mickelson para sa kasaysayan na tanging siya lamang ang nakagawa – sa kasalukuyan. Ngunit, hindi pa siya nakatadhana. Tama ang lakas, ngunit, kinapos ang gapang ng bola para maisalpak ni Mickelson ang...
PBA DL: Cafe France, wagi sa BluStar
Naitala ni Rodrigue Ebondo ang impresibong 20 puntos at 20 rebound para sandigan ang Café France sa 90-61 panalo kontra Blustar Detergent nitong Huwebes ng gabi, sa PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena. Hindi naramdaman ng Bakers ang pagkawala ni forward Carl...
Elorde fighter, umeksena sa 'Night of Champs'
Winalis ng pamosong Elorde Boxing Gym stable ang tatlong international championship sa matikas na pagwawagi nina Jeffrey “The Bull” Arienza, Silvester “Silver” Lopez at Felipe “Crunch Man” Cagobgob, Jr. sa isinagawang Night of Champions nitong Miyerkules ng...
Fitness expo, ilalarga ni Crosby
Nakatakdang ilatag ni world fitness star Gemmalyn Crosby ang ikatlong Philippine Fitness & Wellness Expo sa September 3, sa SMX Convention Center. Target ng programa, sa ilalim ng Crosby Sports Festival, na malampasan ang 2,000 kalahok na nakibahagi sa huling pagdaraos ng...
V-League title, kukubrahin ng Air Force
Mga laro ngayon (Philsports Arena) 4 n.h. -- Balipure vs Laoag 6:30 n.g. -- Pocari Sweat vs Air Force Tatangkain ng Philippine Air Force na makumpleto ang ‘double victory’ sa pakikipagtuos ang Lady Jet Spikers kontra Pocari Sweat sa Game 2 ng kanilang best-of-three...
Raterta, kampeon sa Manila Bay Clean-Up Run
Iniwan ni Luisa Raterta, tinaguriang Philippine Marathon Queen, ang mga karibal sa kalagitnaan ng karera tungo sa impresibong panalo sa 21-km premier event ng Manila Bay Clean-Up Run kamakailan sa PICC ground sa Pasay City. Nadomina naman ng Kenyan ang men’s division sa...
P10-B mula sa Pagcor, malabo nang mabawi ng PSC
Malabo nang makuha pa ng Philippine Sports Commission (PSC) ang kabuuang P10.8 bilyon na dapat sanang nai-remit ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) base sa nakasaad sa batas na Republic Act 6847. Ito ang malungkot na katotohanan na ipihayag ni PSC...
WALANG GURLIS!
SBC Red Lions, umatungal sa NCAA cage tilt. Mistulang nagsagawa ng basketball clinic ang San Beda College sa dominanteng 90-63 panalo laban sa College of St. Benilde kahapon sa NCAA Season 92 men’s basketball tournament sa San Juan Arena. Kaagad na rumatsada ang Red Lions...
Akhuetie, binitbit ang Perpetual
Mga laro ngayon (San Juan Arena,) 12 nn.- San Beda vs St. Benilde (srs) 2 p.m.- EAC vs Mapua (srs) 4 p.m.- LPU vs Jose Rizal (srs) Ipinamalas ni Bright Akhuetie ang kanyang pinakamagandang laro upang tulungan ang Perpetual Help sa importanteng 76-61 panalo kontra San...