SPORTS
Mga manlalaro ng Ateneo Men’s basketball team, biktima rin sa nangyari sa Aurora—UAAP
Itinuturing ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) na mga biktima rin ng trahedyang naganap sa Aurora ang lahat ng mga manlalaro ng Ateneo Men’s Basketball Team na naroon sa insidente. Sa isinagawang administrative review, sinabi ng UAAP Board na...
'Eligible to compete!' Ateneo MBT, makakalaro pa rin sa UAAP
Makakasali pa rin ang Ateneo de Manila University men’s basketball team sa UAAP Season 89, ayon sa naging desisyon ng Board kaugnay ng insidente na ikinasawi ng dalawang student-athletes sa team-building activity sa Dipaculao, Aurora noong Hunyo 8, 2026. KAUGNAY NA BALITA:...
Rene Baterbonia, binigyang-pugay sa Senado
Pormal na pinagtibay ng Senado noong Miyerkules,Agosto 5, ang isang resolusyong nagbibigay-pugay sa buhay, legasiya at mga naiambag sa Philippine sports ng yumaong Ateneo de Manila University basketball player na si Rene Clert 'Bobet' Baterbonia. Dumalo sa sesyon...
Alex Eala, pinuri; tumangging pumirma sa watawat
Nakatanggap ng papuri ang Filipina tennis sensation na si Alex Eala dahil sa kamalayan niya pagdating sa kung ano ang bawal gawin sa pambansang watawat ng Pilipinas. Sa isang video clip na lumutang sa X noong Martes, Agosto 4, mapapanood ang pagpapapirma sa kaniya ng fans...
Alex Eala, kampeon sa Mubadala DC Open!
Muling umukit ng kasaysayan para sa Pilipinas ang Filipina tennis sensation na si Alex Eala matapos niyang makamit ang kampeonato sa WTA 500 Mubadala DC Open sa Washington, D.C. nitong Martes (araw sa Pilipinas), Agosto 4, 2026. Nakaharap Eala sa finals ang kasalukuyang...
Pacman dedma sa kuda ni Mayweather; nanindigang pang ‘pro fight’ bakbakan nila!
Nanatiling determinado si boxing legend Manny Pacquiao na matutuloy ang kaniyang inaabangang rematch laban kay Floyd Mayweather Jr., sa kabila ng pagpapaliban ng kanilang laban na una sanang itinakda ngayong taon. Sa press briefing ng Maharlika Pilipinas Pickleball Tour...
'Ayaw ko yung may hokus-pokus!' Pacman, tinalakan 'bentahan ng laro' sa liga niya
Nagpahayag ng pagkadismaya si Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) founder Manny “Pacman” Pacquiao kaugnay ng umano'y game-fixing na kinasangkutan ng Bacolod Masskara sa laban nito kontra Bacolod Kuyas noong Hulyo 28. Lumutang ang mga espekulasyon matapos...
Mantra ni Alex Eala: ‘Wag magduda!
Ibinahagi ng Filipina tennis sensation na si Alex Eala ang bitbit niyang mantra sa kada laro at laban niya. Nakapanayam kasi ni Kapamilya broadcast-journalist Karen Davila si Alex sa isang episode ng vlog niya kamakailan. Kabilang sa mga naurirat kay Alex ay ang mga sinabi...
Kiefer Ravena, wapakels na sa 'di pagkuha sa kaniya sa national team!
Ibinahagi ni dating Gilas Pilipinas standout Kiefer Ravena ang kaniyang saloobin hinggil sa nananatiling hindi pagkuha sa kaniya sa national team. Sa panayam sa kaniya ng isang sportscaster kamakailan, iginiit ni Kiefer na mismong ang pamunuan ng Gilas ang hindi na lamang...
'Kaso o settlement?' 40 days ni Rene, palilipasin muna bago magdesisyon pamilya niya—Torreon
May nilinaw si Atty. Israelito Torreon, abogado ng pamilya Baterbonia, hinggil sa umano'y desisyon ng mga naulila ng student-athlete na si Rene Baterbonia kaugnay sa kaso ng kaniyang pagkamatay. Sa isang pahayag nitong Sabado, Hulyo 11, 2026, ibinahagi ni Torreon na...