OPINYON
- Sentido Komun
Doble-dobleng kalbaryo
SA halip na kaaya-ayang paggising, mistulang bangungot ang gumulantang sa akin dahil sa nagdudumilat na ulo ng balita: Water Interruption at Rotating Brownout. Nangangahulugan na dadanas tayo ng manaka-nakang pagkasaid ng tubig sa ating mga gripo at kadiliman sa tahanan at...
Banal na aksiyon
HABANG tayo ay nakatutok sa masalimuot na isyu hinggil sa sinasabing pagpapalubog ng Chinese vessel sa fishing boat ng ating kababayang mangingisda sa Reed Bank – ang kontrobersiyal na insidente na ngayon ay tila nababahiran ng politika – hindi natin dapat...
Kalayaan sa karukhaan
HALOS kasabay ng paggunita natin sa Araw ng Kasarinlan, lumutang naman ang mga ulat hinggil sa mga pagsisikap upang ipaglaban ang kalayaan sa karukhaan na inilunsad ng iba’t ibang sekta ng relihiyon. Ang katatapos na selebrasyon ng Independence Day ay dumadakila sa ating...
Kahit Limusan Araw-Araw
HANGGANG ngayon, hindi ko pa maarok ang tunay na lohika sa implementasyon ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), ang programa na sinasabing makapagpapatighaw sa pagkagutom ng ating maralitang mga kababayan. Ang naturang programa na naunang ipinatupad noong panahon ni...
Balakid sa pagpapatino
SA halos walang patlang na pakikipaglaban ng ating mga alagad ng batas sa mga sugapa sa illegal drugs, minsan pang lumutang ang panawagan ng iba’t ibang sektor hinggil sa paglulunsad ng sapilitang drug test. Ibig sabihin, ang naturang mandatory drug test ay isasagawa hindi...
Kahit mistulang pagpapatiwakal
SA kabila ng pagkakakapatibay ng batas na nagtataas ng buwis sa alak at sigarilyo, lalong tumibay ang aking paniniwala na hindi mababawasan at lalong hindi ganap na matutuldukan ang pagkasugapa sa naturang mga bisyo. Manapa, natitiyak ko na ang dagdag sa tinatawag na sin...
Kamatayan ng super majority
SA walang katapusang paglutang ng mistulang bangayan ng ilang senador kaugnay ng sinasabing pag-aagawan ng committee chairmanship, tumatalab ang matalim na mensahe ni Senate Minority Leader Drilon: Atupagin muna ang paghahanda at pag-aaral sa pagbalangkas ng mga...
Ikasiyam na sinag ng araw
KASABAY ng paggunita sa araw ng Pambansang Watawat, isang liham ang aking tinanggap mula sa isang kamag-anak: “...sana ay samahan ninyo kami sa aming panawagan sa Kongreso upang magpatibay ng batas na magdagdag ng isa pang sinag ng araw sa ating bandila...”Ang lumiham na...
Tripleng benepisyo
MALIBAN kung manhid ang ilan sa ating mga mambabatas sa pagtugon sa mga problemang pangkalusugan ng sambayanan, wala akong makitang dahilan upang sila ay maging makupad sa ganap na pagpapatibay ng panukalang-batas na magtataas ng buwis sa sigarilyo at alak. Ang malilikom na...
Matayog na pagdakila
SA kabila ng kanyang pagbanggit sa tungkulin ng media hinggil sa imbestigasyon ng sinasabing sexual abuse crisis sa Roman Catholic Church, sinabi ni Pope Francis: The Church holds you in esteem, also when you put your finger in a wound, even if the wound is in the Church...