OPINYON
- Pagtanaw at Pananaw
Dapat malutas nang mapayapa ang sigalot sa SCS at WPS
Kailangang malutas nang mapayapa ang sigalot sa South China Sea (SCS) at West Philippine Sea (WPS) alinsunod sa itinatakda ng 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at ng 2016 arbitral award.Ito ang sinabi ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr....
48% ng pamilyang Pinoy ang nagsabing 'mahirap' sila
Kalahati raw sa mga pamilyang Pilipino ang itinuturing ang sarili na “mahirap,” ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS). Samakatwid, 48 porsiyento ng mga pamilya ang nagsasabing sila ay "mahirap," 23 porsiyento naman ang hindi umano "mahirap," at 29...
4.2 milyong Pinoy, nagugutom
Kung maniniwala kayo o totoo ang survey ng Social Weather Stations (SWS), may 4.2 milyong pamilyang Pinoy daw ang nakararanas ng gutom (involuntary hunger) sa nakalipas na tatlong taon.Ginawa ang poll survey ng SWS mula Abril 28 hanggang Mayo 2, at lumitaw na 16.8 porsiyento...
Pabor ang PH na palayain si Suu Kyi at wakasan ang military coup sa Myanmar
Bumoto nang pabor ang Pilipinas sa resolusyon ng United Nations General Assembly (UNGA) na naglalayong wakasan ang military coup sa Myanmar at palayain si Aung San Suu Kyi at iba pang political prisoners.Teka muna, ‘di ba ganito rin ang kahilingan ng mga kalaban at kritiko...
PRRD, hindi makikipagtulungan sa ICC
Hindi makikipagtulungan si Pres. Rodrigo Roa Duterte (PRRD) sa ano mang procedure na maaaring isagawa ng International Criminal Court (ICC) laban sa inilunsad na giyera sa anti-illegal drugs na ikinamatay ng maraming drug suspects.Sinabi ni presidential spokesman Harry Roque...
Walang talo si PRRD sa vice presidency
Marami ang naniniwala na kapag tumakbo sa vice presidency si President Rodrigo Roa Duterte, halos tiyak ang kanyang panalo kahit sino man ang katambal. Eh, sino naman ang maglalakas-loob na lumaban sa kanya?Para namang "nakikiliti" si PRRD sa bagay na ito kaya nalathala sa...
Walang sakit ang Pangulo, na-out balance lang
Nilinaw ng Malacanang na walang iniindang karamdaman si Pres. Rodrigo Roa Duterte (PRRD) nang muntik na siyang mabuwal sa podium na tinutuntungan sa pagdiriwang ng ika-123 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan noong Sabado sa Malolos, Bulacan."Nawalan lang ng bahagyang balanse o...
PRRD, nagtungo sa Bulacan at pinapurihan sina M.H.del Pilar at Gen. Gregorio del Pilar
Nagtungo sa Malolos, Bulacan si President Rodrigo Roa Duterte (PRRD) upang doon ipagdiwang ang ika-123 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.Binigyang-puri niya ang dalawang bayaning Bulakenyo, sina Marcelo H. del Pilar at Gen. Gregorio del Pilar, na nagbuwis ng buhay para sa...
PH, may dalawang Araw ng Kalayaan?
Dalawang kalayaan ang natamo ng Pilipinas. Ang una ay noong Hunyo 12,1898 nang ideklara ni Gen. Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite ang Kasarinlan ng ating bansa mula sa mahigit na 300 taong pagkaalipin sa mga Espanyol.Noon namang Hulyo 4,1946, ipinagkaloob ng United States...
Kuba na sa hirap ang mga Pinoy
Kubang-kuba na sa hirap ang mga Pilipino sanhi ng COVID-19 pandemic. Marami ang nawalan ng trabaho, maraming negosyo ang nagsara.Heto naman ngayon ang mga kompanya ng langis na linggu-linggo ay nagtataas ng presyo ng gasolina at iba pang produkto ng petrolyo. Gusto ng...