- Metro
4-anyos na lalaki, natagpuang patay sa loob ng washing machine sa Las Piñas
Isang 4-anyos na batang lalaki sa Las Piñas City ang natagpuang patay sa loob ng washing machine nitong Linggo, Mayo 28, dalawang araw matapos maiulat na nawawala.Sinabi ng Las Piñas police na nadiskubre ang bangkay ng biktima dakong alas-7:00 ng umaga nitong Linggo, sa...
Fake news sa pagkasunog ng post office, pinalagan ni Lacuna
Pinalagan ni Manila Mayor Honey Lacuna nitong Martes ang isang malisyosong fake news na pinalulutang umano sa social media na kaya diumano nasunog ang Manila Central Post Office ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) ay dahil sa plano itong pagtayuan ng shopping mall o...
Lacuna, tumanggap ng parangal mula sa NBI
Tumanggap si Manila Mayor Honey Lacuna ng parangal mula sa National Bureau of Investigation (NBI) bunsod nang di matatawarang suporta nito sa ahensiya.Nabatid na ang alkalde ay pinagkalooban ng certificate of commendation at NBI badge ni NBI Assistant Director Rommel Papa,...
Nasugatan sa sunog sa Manila Central Post Office, umakyat na sa 13
Umakyat na sa 13 katao ang nasugatan sa sunog na tumupok sa gusali ng Manila Central Post Office ng Philippine Postal Corporation (PhilPost), sa Liwasang Bonifacio, Magallanes Drive, sa Ermita, Maynila nitong Linggo ng gabi.Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP),...
MHD chief: Higit 1,400 pasyente na namatay sa Covid-19 sa Maynila, hindi bakunado
Ibinunyag ni Manila Health Department (MHD) chief Dr. Arnold 'Poks' Pangan nitong Lunes na mahigit sa 1,400 mula sa 2,070 katao na sinawimpalad na bawian ng buhay sa Maynila dahil sa Covid-19, ay hindi bakunado.Kaugnay nito, muling hinimok ni Pangan ang mga residente na...
Ilang bahagi ng Camanava, Manila, QC mawawalan ng suplay ng tubig sa Mayo 22-27
Mawawalan suplay ng tubig ang ilang bahagi ng Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela, Maynila at Quezon City dahil sa network maintenance simula Mayo 22 hanggang 27.Sa pahayag ng Maynilad Water Services nitong Sabado, ang mga lugar sa Caloocan City na mawawalan ng water...
Mayor Olivarez, pumirma ng MOA para sa trabaho ng mga senior citizen, PWD
Pumirma ng memorandum of agreement (MOA) ang Parañaque City government sa dalawang restaurant company para sa ipagkakaloob na trabaho sa mga senior citizen at persons with disability (PWDs).Pinirmahan ni Mayor Eric Olivarez, the Peri-Peri Charcoal Chicken, at Sauce Bar and...
₱2M halaga ng umano'y ketamine nasamsam ng PDEA sa Pasig
PASIG CITY -- Nasamsam ngPhilippine Drug Enforcement Agency (PDEA)ang₱2,120,000.00 halaga ng 424 gramo ng ketamine sa Barangay Manggahannitong Huwebes ng gabi, Mayo 18.Kinilala ng PDEA Central Luzon ang suspek na si Danilo L. De Guzman alyas John Vincent Cruz, 23,...
3 katao, patay; 5 pa, sugatan sa bumagsak na puno ng balete
Tatlong katao ang patay habang lima pa ang sugatan nang bumagsak ang isang puno ng Balete sa Estero de Magdalena, sa Binondo, Manila nitong Huwebes ng umaga.Ang mga nasawing biktima ay nakilalang sina Edcel Landsiola, 42; at ang mag-amang sina Jomar Portillo, 28, at John...
Mayor Zamora: Pagsusuot ng face mask sa NCR, hindi pa rin mandatory
Nilinaw ni San Juan Mayor Francis Zamora nitong Miyerkules na nananatiling opsiyonal ang pagsusuot ng face mask sa National Capital Region (NCR).Ayon kayZamora,na siyang pangulo ng Metro Manila Council (MMC), hindi pa aniya kinakailangan ang mandatory na face mask use sa NCR...