BALITA
Inflation rate, tumaas sa 7.2% noong Abril 2026!
Pumalo sa 7.2% ang inflation rate o ang antas ng presyo ng mga bilihin at iba't ibang serbisyo sa bansa, batay sa talang inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Martes, Mayo 5. Lubhang mas mataas ito sa naitalang 4.1% inflation rate noong Marso 2026....
VP Sara, umaasang may presidential election sa 2028
Umaasa si Vice President Sara Duterte na magkakaroon pa rin ng presidential election sa 2028. Ito'y matapos matanong tungkol sa kaniyang pagtakbo bilang pangulo sa susunod na eleksyon. “I’m already a presumptive candidate because I declared my intention to run for...
'Ugaliin ang BLOW BAGETS:' VP Sara, may paalala sa mga motorista
Pinaalalahanan ni Vice President Sara Duterte ang mga rider at motorista bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Land Transportation Safety Month ngayong buwan ng Mayo. Ayon sa inilabas na video statement ni VP Sara sa kaniyang Facebook page nitong Martes, Mayo 5, 2026, idiniin...
Congressmeow, balik-Kamara na; umaasang 'di na siya masuspinde!
Nagbigay ng pahayag si Cavite 4th district Rep. Kiko Barzaga kung sakaling tuluyan siya ng ma-expel or patawan ng ikatlong suspensyon sa muli niyang pagbabalik sa Kamara. Sa panayam ng media kay Barzaga nitong Lunes, Mayo 4, 2026, iginiit niyang magiging maayos naman daw ang...
Erice, kinukumbinse si Mar Roxas na tumakbo sa 2028 presidential elections
Isiniwalat ni Caloocan City 2nd District Rep. Egay Erice na hinihikayat niya si dating senador at dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas na kumandidato sa darating na pampanguluhang eleksyon sa taong 2028. Sa pakikipanayam ni Erice sa...
Rep. Diokno, sinagot kung bakit mahalaga ang impeachment sa gitna ng problema
Bumwelta si Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno sa mga nagtatanong tungkol sa importansya ng pagdinig sa impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte sa gitna ng mga suliraning kinakaharap ng Pilipinas gaya ng mababang pasahod, pagtaas ng presyo ng bilihin,...
'Very interesting to people!' Trump, iispluk na UFO files!
Inihayag ni US President Donald Trump na nakatakda na raw ilabas ng Pentagon ang unidentified flying objects (UFO) files sa publiko. Sa panayam ng media kay Trump, marami raw silang isisiwalat hinggil sa mga UFO files na kukuha ng interes ng publiko. 'We're going...
Eastern Samar, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol!
Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang Eastern Samar nitong Lunes ng tanghali, Mayo 4. Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naganap ang lindol kaninang 2:09 PM sa San Julian, Eastern Samar. May lalim itong 10 kilometro. Naitala rin...
‘Bagong kagamitan sa 4Ps beneficiaries?’ DSWD, nagbabalang AI-generated ang kumakalat na litrato
Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) hinggil sa kumakalat na larawan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries sa social media kamakailan. Batay sa pahayag ng DSWD nitong Lunes, Mayo 4, pinabulaanan nila ang katotohanan sa...
Pagtanggal ng VAT sa system loss charges sa electricity bills, inihain ni Sen. Risa
Ibinahagi ni Sen. Risa Hontiveros na nagsumite siya ng isang panukalang-batas na naglalayong tanggalin ang value-added tax (VAT) sa system loss charges na siyang ipinapapasan sa mga konsyumer sa pamamagitan ng kanilang buwanang bill ng kuryente. Sa isang Facebook post na...