BALITA
Pagsunog sa Lumad school cottage, inako ng NPA
CAMP BANCASI, Butuan City – Ang New People’ Army (NPA) ang sumunog sa cottage sa isang eskuwelahan ng mga Lumad sa Barangay Padiay sa Sibagat town, Agusan del Sur nitong Huwebes, ayon sa pahayag ng isang dating pinuno ng kilusan na inilabas kahapon ng 4th Infantry...
Operasyon ng Uber, ipinakakansela sa LTFRB
Ipinakakansela ng grupong transportasyon na 1 Utak ang operasyon ng Transportation Network Company (TNC) ng Uber taxi sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).Sa isinumiteng petisyon sa LTFRB, binigyang-diin ng 1 Utak na hindi dapat bigyan ng LTFRB ng...
Mga guro, may protesta kontra umentong ‘limos’
Pagbabalik sa dignidad ng mga guro ang adhikain ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) sa isasagawa nitong kilos-protesta ngayong Lunes.Ipoprotesta ng mga guro ang panukalang itaas ang sahod ng mga empleyado at opisyal ng gobyerno pero, ayon sa kanila, ay “limos” lang...
FDA, nagbabala vs ‘di rehistradong slimming coffee
Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko laban sa pagbili ng mga hindi rehistradong slimming coffee at walong drug product na ibinebenta sa bansa.Tinukoy ng FDA ang produkto bilang ang Bavarian Brew Slimming Coffee, na ginagawa ng Diamond Laboratories sa...
Maritime security preps para sa APEC, paiigtingin—PCG
Ang serye ng pambobomba at pamamaril na pumatay sa may 129 na katao sa Paris ang nagbunsod upang i-“overdo” ng Philippine Coast Guard (PCG) ang maritime security considerations nito para sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit na idaraos sa Metro Manila...
Ilang kalye sa Maynila, sarado ngayong linggo
Ni MARY ANN SANTIAGOSisimulan na ngayong Lunes ang pagsasara ng ilang kalye sa Maynila kaugnay ng pagdaraos ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Summit ngayong linggo.Batay sa traffic advisory na ipinalabas ng Manila District Traffic Enforcement Unit...
Teenager, tinangayan na ng bisikleta, pinagsasaksak pa
Kritikal ngayon ang isang teenager matapos pagsasaksakin ng dalawang lalaki na tumangay sa kanyang mountain bike sa Navotas City, kahapon ng umaga.Kinilala ang biktima na si Marco Necisario, 17, residente ng Barangay North Bay Boulevard South.Lumitaw sa imbestigasyon na...
May permit o wala, tuloy ang demonstrasyon—Casiño
Walang balak ang mga leader ng mga militanteng grupo na tumupad sa “no rally, no permit” policy sa paglulunsad ng serye ng demonstrasyon kasabay ng APEC Leaders’ Summit ngayong linggo.Sinabi ni dating Bayan Muna Rep. Teddy Casiño, isa sa mga leader ng People’s...
Paris attack, dapat talakayin sa APEC meeting—Honasan
Iginiit ni Senator Gregorio Honasan na dapat isama sa agenda ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Summit ang madugong pag-atake sa Paris, France, na mahigit 100 inosenteng sibilyan ang nasawi.Sa isang pahayag, iginiit ng dating opisyal ng Philippine Army na...
Tanod, binaril sa hita ng kainuman
Sugatan ang isang barangay tanod matapos barilin sa hita ng kanyang kainuman sa San Andres Bukid, Maynila nitong Sabado ng gabi.Kasalukuyang ginagamot sa Sta. Ana Hospital si Franco Sabayle, 44, tanod ng Barangay 807, Zone 87, at residente ng 2323 Esmeralda Street, San...