BALITA
Batas na gagawing krimen ang hazing, sinuportahan ng DoJ
Binigyang diin na hindi ipinagbabawal ng kasalukuyang batas ang hazing, sinuportahan ng Department of Justice (DoJ) ang pagbabago sa Republic Act 8049 o Anti-Hazing Law. Sa tatlong pahinang legal position na isinumite sa Committee on Public Order and Dangerous Drugs na...
May-akda ng #DropPacman petition, ipinadedeklarang persona non grata
Isang petisyon na nananawagan sa gobyerno na ideklarang persona non grata sa Pilipinas ang may-akda ng #DropPacman, ang nilikha at makalipas ang tatlong araw ay mayroon nang mahigit 17,000 lagda. Nilikha ang online plea nitong Pebreo 19, 2016 sa pamamagitan ng iPetitions....
P1.30 idinagdag sa diesel, kerosene
Magpapatupad ng big-time oil price hike ang mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Pilipinas Shell, ngayong Martes ng umaga. Ayon sa Shell, epektibo dakong 6:00 ng umaga ngayong Pebrero 23 ay magdadagdag ito ng P1.30 sa presyo ng kada litro ng diesel at kerosene,...
2-anyos, patay sa sunog
Isang dalawang taong gulang na lalaki ang kasamang tinupok ng apoy matapos masunog ang hilera ng kabahayan sa Sitio Anita, Barangay Sta. Clara sa Batangas City. Kasamang tinupok ng kanilang tahanan si RJ Bajar, noong Linggo ng madaling araw. Nasa 40 pamilya naman ang nawalan...
Presidential debate, 'DuRiam', pumatok sa social media
Para sa isang paring Katoliko, dalawa sa limang kandidato sa pagkapangulo na sumalang sa unang presidential debate nitong Linggo ang umani ng kanyang paghanga. Ito, ayon kay Fr. Jerome Secillano, ay sina Senator Grace Poe at Davao City Mayor Rodrigo Duterte. “Poe and...
Sasakyang tampered ang plaka, huhulihin
Huhulihin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga sasakyang may dinaya o sirang plate number bilang paghahanda sa muling pagpapatupad ng no-physical contact na paghuli sa mga lumalabag sa batas-trapiko. Mahalaga ang pagkakaroon ng malinaw at maayos na...
2,697 local official, kinasuhan sa Ombudsman
Mga lokal na opisyal at mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) pa rin ang nangunguna sa mga may kinahaharap na kasong kriminal at administratibo sa Office of the Ombudsman (OMB) sa nakalipas na limang taon. Sa 2015 year-end report, inihayag ng anti-graft agency na...
2.2-M balota, naimprenta na—Comelec
Umaabot na sa kabuuang 2.2 milyong balota ang naiimprenta ng Commission on Elections (Comelec) simula nang umpisahan ang ballot printing sa National Printing Office (NPO) noong Pebrero 18. Ayon kay Genevieve Guevarra, pinuno ng Printing Committee ng Comelec, nangangahulugan...
Malacañang sa kabataan: Matuto sa Martial Law
Binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagbatid at pag-unawa sa kasaysayan sa likod ng 1986 People Power Revolution, hinimok ng Malacañang ang kabataang Pilipino—na paslit pa lang o hindi pa isinisilang nang panahong sumiklab ang protesta sa EDSA noong 1986—na bisitahin...
72-anyos iniumpog ng anak sa lababo, patay
Patay ang isang 72-anyos na biyuda matapos na iumpog ng anak niyang lalaki ang kanyang ulo sa lababo ng kanilang bahay sa Tondo, Maynila. Ayon sa mga ulat, namatay si Rica Fernandez, ng 1621 Sta. Maria Street, Tondo, habang ginagamot sa Tondo Medical Center, dakong 4:00 ng...