BALITA
Unang kaso ng Zika sa SoKor
SEOUL, South Korea (AP) — Iniulat ng South Korea nitong Martes ang unang kaso ng Zika virus sa bansa. Isang 43-anyos na lalaki na kababalik lamang mula sa Brazil ang nasuring may virus matapos magkaroon ng lagnat, muscle pain at rash, ayon sa pahayag mula sa state-run...
Obama, Castro nagkasagutan
HAVANA (Reuters) – Isinulong ni U.S. President Barack Obama sa Cuba na pagbutihin ang human rights sa kanyang makasaysayang pagbisita sa komunistang bansa nitong Lunes, at nakasagutan sa publiko si President Raul Castro na nagalit sa “double standards” ng United...
Vendor, ninakawan habang tulog
SANTA IGNACIA, Tarlac – Nawalan ng silbi ang mahigpit na yakap ng isang vendor sa kanyang shoulder bag habang natutulog makaraang makulimbat ng hindi nakilalang kawatan, na sinasabing may karunungang itim, ang kanyang pera at mahahalagang gamit sa kanyang bag sa municipal...
23 bayan sa Pangasinan, walang kuryente
DAGUPAN CITY – Nasa 23 munisipalidad sa Pangasinan ang posibleng mawalan ng kuryente ngayong Martes para bigyang-daan ang taunang preventive maintenance at testing ng power transformer sa lalawigan. Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), magsisimula...
Nangingikil gamit ang 4Ps, arestado
SAN JOSE CITY, Nueva Ecija - Nahuli sa entrapment operation ng pulisya ang isang 43-anyos na binata nitong Linggo ng umaga dahil sa pandarambong gamit ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Barangay Dizol sa lungsod na ito. Sa ulat ni Supt. Nolie Asuncion, hepe ng...
2 patay sa salpukan ng truck at trike
ZAMBOANGA CITY – Dalawang katao ang nasawi at tatlong iba pa ang nasugatan makaraang sumalpok ang isang tanker truck sa isang tricycle sa national highway sa Barangay Tigbanuang sa Tungawan, Zamboanga Sibugay, nitong Linggo ng umaga. Kinilala ng Tungawan Police ang mga...
Obrero, kinatay si misis bago nagbigti
COTABATO CITY – Sa hindi pa mabatid na dahilan, pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng isang construction worker ang kanyang live-in partner bago siya nagbigti sa kanilang bahay sa Barangay Carpenter Hill sa Koronadal City, iniulat ng pulisya kahapon. Sa isang panayam sa...
P150-B 'Yolanda' rehab program, mabagal—NEDA
Aminado ang National Economic Development Authority (NEDA) na sari-saring balakid ang kinahaharap ng gobyerno sa pagpapatupad sa Comprehensive Rehabilitation and Recovery Plan (CRRP) para sa mahigit 1.47 milyong pamilya sa 171 munisipalidad at siyudad na sinalanta ng super...
Magdasal, magnilay, magkawanggawa
Pinaalalahanan ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga mananampalataya na gawing tunay na makabuluhan ang paggunita sa Mahal na Araw at iwasan ang konsyumerismo at pagiging materyalistiko. Ayon kay Lipa Archbishop Ramon Arguelles,...
Malacañang: 'Di kami nagpabaya vs. Zika virus
Hindi nakakampante ang gobyerno laban sa pagkalat ng Zika virus sa gitna ng mga pangamba na maaaring maglabas ang United States ng travel alert laban sa bansa. Sinabi ni Presidential Communications Operations Herminio Coloma Jr. na patuloy ang Department of Health (DoH) sa...