BALITA
Bagong Georgia PM, kinumpirma
TBILISI (AFP) – Kinumpirma ng parliament ng Georgia noong Miyerkules si dating foreign minister Giorgi Kvirikashvili bilang prime minister ng bansa, anim na araw matapos ang sorpresang pagbitiw sa puwesto ni Irakli Garibashvili.“The parliament has approved the new...
Alert Level 1, itinaas sa Pakistan; DFA, nag-alok ng tulong sa mga Pinoy
Itinaas ang Alert Level 1 (Precautionary Phase) sa Pakistan nitong Martes kaugnay sa bilang, lawak at kalubhaan ng mga insidente sa loob at mga banta sa labas ng bansa, inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA).Inilalabas ang Alert Level 1 kung mayroong valid signs ng...
Baha sa Missouri, pinakamatindi simula 1800s
KANSAS CITY, Mo./CHICAGO (Reuters) — Napilitang lumikas ang libu-libong residente ng Missouri noong Martes matapos ang apat na araw na pananalasa ng bagyo na nagpaapaw sa mga ilog na ngayon lamang nasaksihan, at ikinamatay ng 13 katao, nagpasara sa daan-daang kalsada at...
Ilang kalsada sa Maynila, isinara para sa prusisyon ng Itim na Nazareno
Ang taunang thanksgiving procession ng sinasambang Itim na Nazareno ay inilipat ngayong Huwebes, Disyembre 31, mula sa orihinal na schedule nito sa Enero 1, sa New Year’s Day, dahil sa seguridad.Ayon kay Monsignor Hernando Coronel, rector ng Minor Basilica of the Black...
GMA, balik-La Vista ngayong Bagong Taon
Pansamantalang nakalalaya si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo at nakauwi na kahapon sa kanyang bahay sa Quezon City, para roon magdiwang ng Bagong Taon kasama ang kanyang pamilya.Si Arroyo ay inilabas kahapon ng mga police escort mula sa...
Tiangge ng paputok sa QC, dinarayo na
Umabot na sa 40 tindahan ng mga paputok na nagkumpulan sa isang tiangge sa tapat ng White Plains Subdivision sa EDSA, Quezon City, ang dinarayo ngayon ng mga mamimili mula sa Metro Manila.Sa panayam sa mga stall owner, tiniyak nila na nakakuha sila ng special permit mula sa...
Paano titiyaking susuwertihin ka sa 2016?
Asul ang masuwerteng kulay sa 2016 dahil ang susunod na taon ay nangangahulugan ng pagiging positibo, kaligayahan at pagsasama-sama ng pamilya.Ito ang sinabi ni feng shui Master Hanz Cua ilang oras bago salubungin ng mundo ang 2016 mamayang hatinggabi. Hinimok din ni Cua ang...
2 estudyante, nahulihan ng marijuana habang nagti-trip
Sa kulungan magdiriwang ng Bagong Taon ang dalawang college student matapos silang mahulihan ng marijuana habang pinagtitripan ang mga kapitbahay sa Barangay Piñahan, Quezon City, nitong Martes ng umaga.Naghihimas ngayon ng rehas na bakal sina Angelo Lopez, ng Masikap...
Magtiyuhin, nahulihan ng 2 kilo ng shabu
Nakapiit ngayon ang isang magtiyuhin makaraan silang maaresto ng pulisya sa aktong nagbebenta ng ilegal na droga sa Roxas City, Capiz , iniulat ng pulisya kahapon.Sinabi ng Roxas City Police Office(RCPO) na sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act...
MMFF chairman sa 'HTF': Integridad mas mahalaga
Nais ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Emerson Carlos na pangalagaan ang integridad ng Metro Manila Film Festival (MMFF) sa pagdiskuwalipika nito sa pelikulang “Honor Thy Father” sa Best Picture category ng parangal.Bilang chairman ng MMFF,...