BALITA
Nampikon sa 'tulak' joke, tinarakan
Naging madugo ang pag-aasaran ng isang mag-tiyahin makaraang mapikon ang tiyahin at saksakin ang kanyang pamangkin habang nagbibiruan sila tungkol sa ilegal na droga sa Tondo, Maynila, nitong Linggo ng gabi.Ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center dahil sa isang tama...
Nagpa-abort sa motel, patay
Nauwi sa kamatayan ang lihim sanang pagpapa-abort ng isang hindi pa nakikilalang babae na iniwang walang buhay ng mga nagsabwatan para maalis ang sanggol sa kanyang sinapupunan sa loob ng isang inn sa Pasay City nitong Linggo ng gabi.Inilarawan ng Pasay City Police ang...
Digong sa PSG: Maging loyal sa Konstitusyon
“Just remain loyal to the Constitution and I’d be happy, really, just honor the flag.” Ito ang mahigpit na paalala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG).“I am happy that you secure my person but just the same I would like...
35 barangay sinalanta ng 'Carina'
TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Iniulat kahapon ng Office of Civil Defense (OCD)-Region 2 na 1,863 pamilya o 8,289 na katao sa 35 barangay sa Cagayan at Isabela ang naapektuhan sa pananalasa ng bagyong ‘Carina’.Ayon kay OCD-Region 2 Director Norma Talosig, kasalukuyang...
FDA nagbabala vs pekeng tetanus antitoxin
Binalaan ng Food and Drugs Administration (FDA) ang publiko laban sa pagbili ng pekeng tetanus antitoxin dahil sa posibilidad na makasama ito sa kanilang kalusugan.Batay sa inisyung Advisory No. 2016-081-A, partikular na tinukoy ng FDA ang Tetanus Antitoxin (Antitet) 1500...
Prank callers sa 911, hahantingin ni Bato
Inulan ng mga usisero at manloloko ang Emergency Hotline 911 mula nang ito ay buksan, dahilan upang magpalabas ng mahigpit na babala si Philippine National Police Chief Director General Ronald M. Dela Rosa.Mula 12:01 ng hatinggabi hanggang kahapon ng 7:00 ng umaga, umabot sa...
Handa na uli sa peace talk
Handa na uling makipag-usap ang pamahalaang Duterte sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF), matapos maharap sa ‘word war’ ang magkabilang panig, sanhi ng pagkakabawi sa unilateral ceasefire ng gobyerno.Matapos...
Chinese military nag-iinit sa South China Sea
BEIJING (Reuters) – Nilalabanan ng liderato ng China ang pressure sa loob ng militar para sa mas puwersadong reaksyon sa desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague laban sa pag-aangkin ng Beijing sa South China Sea, ayon sa sources, nag-iingat na makabangga...
Mga guro umaray sa daily lesson logs
Sumugod kahapon ang isang grupo ng mga guro sa Department of Education (DepEd) upang ihatid ang nilagdaang petisyon na humihimok kay Secretary Leonor Briones na ipatigil ang implementasyon ng kautusan na nag-oobliga sa kanila na gumawa ng anila’y pabigat na lesson logs...
Isa pang rollback sa presyo ng langis
Muling magbabawas ng presyo ng kanilang mga produkto ang mga kumpanya ng langis sa pangunguna ng Flying V at Pilipinas Shell ngayong araw.Sa kalatas na inilabas kahapon ni Sherrie Ann Torres, communications officer ng Flying V, epektibo 12:01 ng madaling araw ng Agosto 2 ay...