BALITA
UST graduate, nanguna sa Physician Licensure Exams
Graduate ng University of Santo Tomas (UST) ang nanguna sa Physician Licensure Examination.Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC), si Jeri Charlotte Co Albano ng UST ang topnotcher sa may 2,899 passers ng pagsusulit, matapos na makakuha ng score na...
UN, EU papayagan na ni Duterte na mag-imbestiga
Papayagan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang United Nations (UN) at European Union (EU) na imbestigahan ang umano’y extrajudicial killings na nagaganap sa bansa, kasabay ng kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga. Ayon sa Pangulo, handa siyang igisa ng magagaling...
Voters' registration sa barangay na
Maaari nang makapagrehistro ang mga botante sa kanilang mga barangay para sa 2017 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).Ayon sa Commission on Elections (Comelec), paiigtingin nila ang pagdaraos ng satellite registration sa bawat barangay sa bansa.“We will be...
Bagyong 'Helen' parating
Binabantayan ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isang bagyo na posibleng pumasok sa bansa bukas.Sa impormasyon ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 2,140 kilometro sa silangan ng Mindanao taglay ang...
Mas mahaba ang gabi
Makakaranas ng mas mahabang gabi, kaysa araw ang mga Pinoy. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ito ay dahil sa autumnal equinox dakong 10:21 ng gabi nitong Huwebes.Sinabi ng PAGASA na mararamdaman na ang paghaba ng...
Nanlaban sa buy-bust, tumimbuwang
Ang panlalaban sa mga pulis na nagtangkang umaresto sa kanya sa isang buy-bust operation ang naging dahilan ng kamatayan ng isang lalaki na hinihinalang tulak ng droga sa Tondo, Manila kahapon ng madaling araw.Dead on arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center...
Ayaw paawat sa pananakit sa ina, tinodas
Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng mga pulis na pinaresponde ng kapatid niyang babae upang mahinto ang pananakit niya sa sariling ina sa Valenzuela City, nitong Miyerkules ng gabi.Dead on arrival sa Valenzuela City Medical Center si Matt Vicente, 39, residente ng...
2 'tulak' itinumba sa nightclub
Hindi na nasikatan pa ng araw ang dalawang lalaking sangkot umano sa ilegal na droga matapos silang paslangin ng apat na naka-bonnet habang masayang nag-iinuman sa loob ng isang nightclub sa Parañaque City, kahapon ng madaling araw.Dead on the spot sina Jeffrey dela Cruz,...
Niratrat habang nagtatrapik
Sandaling nagsikip ang trapiko sa lugar na minamanduhan ng isang tauhan ng Department of Public Safety and Traffic Management (DPSTM) makaraan itong pagbabarilin hanggang sa mapatay ng tatlong hindi kilalang suspek sa Caloocan City, noong Miyerkules ng gabi.Dead on the spot...
SARHENTO PINATAY SA SABUNGAN
Isang pulis na maniniktik sana sa isang umano’y tulak ng droga sa loob ng isang sabungan sa San Juan City nitong Miyerkules ng gabi ang ikinulong sa lugar at kalaunan ay napatay matapos barilin ng security guard ng sabungan.Kasama ni SPO2 Abundio Panes ang isang police...