BALITA
Hontiveros, pinaiimbestigahan napaulat na mga Pinay na ginagawang surrogates abroad
Naghain si Senador Risa Hontiveros ng resolusyon na naglalayong imbestigahan ng Senado ang mga naiulat na kaso ng mga Pinay na ginagawa umanong surrogate mothers sa ibang bansa.Sa isang Facebook post nitong Biyernes, Oktubre 11, ibinahagi ni Hontiveros, chairperson ng...
Harry Roque, iboboto si Quiboloy bilang senador: ‘Kinikilala niya ang Panginoon’
Iginiit ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na kung maging opisyal na kandidato ay iboboto niya si Pastor Apollo Quiboloy bilang senador sa 2025 midterm elections dahil kinikilala umano nito ang Diyos.“Iboboto ko po si Pastor Quiboloy, bakit? Kasi po,...
Asawa ni Harry Roque, pinaaaresto na rin ng Kamara
Pinaaaresto na rin ng House Quad Committee ang asawa ni dating presidential spokesperson Harry Roque na si Mylah Roque.Sa isinagawang pagdinig ng komite hinggil sa extrajudicial killings (EJKs), ilegal na droga, at Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) nitong Biyernes,...
Sementeryo sa Albay, pinagbubutas; masangsang na amoy, umaalingasaw
Umalingasaw ang amoy ng isang sementeryo sa Libon, Albay matapos butusain ang ilang nitso dahil umano sa road widening.Ayon sa ulat ng News 5, nakatambad pa sa labas ng bawat butas na nitso ang ilang sako, laman ang mga kalansay na inalis doon. Ilang kaanak umano ng mga...
64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar
Natagpuang patay ang isang 64-anyos na senior citizen sa dalampasigan ng Brgy. Carayman, Calbayog City, ayon sa isang local news.Ayon sa ulat ng RMN Tacloban, natagpuan ang bangkay ng biktimang pinangalanang 'Dess,' residente ng Purok 6, nitong Miyerkules, Oktubre...
'Hindi ako nag-iisa sa laban' Abalos, hanga kay Pacquiao
Humahanga 'di umano si dating DILG secretary Benhur Abalos kay dating Senador Manny Pacquiao, na pawang tatakbo sa 2025 midterm elections. Sa isang social media post ni Abalos nitong Miyerkules, Oktubre 9, makikita ang larawan nina Abalos at Pacquiao.'Kasama ang...
Northern Samar, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang probinsya ng Northern Samar nitong Huwebes ng hapon, Oktubre 10, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 5:53 ng hapon.Namataan ang...
Klase, pasok sa gobyerno sa Maynila at Pasay, suspendido sa Oct. 14 at 15
Sinuspinde ng Malacañang ang trabaho sa gobyerno at mga klase sa lahat ng antas sa Maynila at Pasay sa darating na Oktubre 14 at 15.Ito ay dahil sa gaganaping Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction (APMCDRR) sa Philippine International Convention...
De Lima, suportado si ex-COA commissioner Mendoza bilang senador
Nagpahayag ng suporta si dating senador at Mamamayang Liberal Party-list nominee Leila de Lima para sa tinawag niyang “anti-corruption champion” na si dating Commission on Audit (COA) commissioner Heidi Mendoza na naghain ng kandidatura sa pagkasenador para sa 2025...
SP Chiz sa pagtakbo ni Quiboloy bilang senador: ‘Karapatan niya ‘yon!’
Iginiit ni Senate President Chiz Escudero na karapatan umano ni Pastor Apollo Quiboloy na tumakbo bilang senador ng bansa sa 2025 midterm elections.Sa isinagawang Kapihan Sa Senado nitong Huwebes, Oktubre 10, sinabi ni Escudero na hindi pa naman umano “convicted” si...