BALITA
3 patay, 2 sugatan sa aksidente sa Quezon
DOLORES, Quezon -- Nasawi ang tatlong katao at dalawa nang sugatan sa banggaan ng mini-truck at tricycle sa Barangay Sta. Lucia rito, nitong Lunes ng umaga, Hulyo 10.Kinilala ang mga nasawi na sina Dondon Corona, Thomas at Jerrylyn Villanueva habang ang mga sugatan naman ay...
Karylle, nagoyo ni Vhong sa binebentang kotse; back-out kahit may kasamang driver
Mukhang naisahan ang actress-TV host na si Karylle Tatlonghari ng co-host niya sa “It’s Showtime” na si Vhong Navarro matapos kumagat sa umanong bagsak presyong sasakyang binebenta nito.Sa YouTube episode ng ABS-CBN I’ts Showtime noong Sabado, Hulyo 8, mapanonood ang...
Dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo, asahan sa Martes
Magpapatupad ng dagdag at bawas sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa Martes, Hulyo 11.Sa magkakahiwalay na abiso ng Shell, Seaoil, at Clean Fuel, nasa ₱0.20 ang ibabawas sa presyo ng kada litro ng gasolina, ₱0.75 naman ang dagdag sa presyo ng...
‘Sana all!’ Tippy Dos Santos, nakatanggap ng Taylor Swift tickets mula sa asawa
Hindi mapigilan ni Tippy Dos Santos ang kaniyang kasiyahan nang regaluhan siya ng kaniyang asawang si Miguel Porcuna ng tickets para sa “The Eras Tour” ni Taylor Swift sa Singapore sa susunod na taon.Sa isang Instagram post, makikita sa video na ibinahagi ni Tippy ang...
Cashier, patay nang makuryente sa pinagtatrabahuhang tindahan
Isang cashier ang patay nang makuryente habang naglilinis ng tubig-baha matapos na bahain ang loob ng tindahan na kaniyang pinagtatrabahuhan sa Tondo, Manila, nitong Linggo ng gabi.Wala nang buhay ang biktimang si Wetinton Garcia, 26, residente ng Tondo, Manila nang maisugod...
'Pinas, nakapagtala ng 72,333 dengue cases sa unang kalahati ng taon--DOH
Iniulat ng Department of Health (DOH) nitong Lunes na nakapagtala ang Pilipinas ng mahigit sa 72,000 kaso ng dengue sa bansa sa unang anim na buwan ng taong 2023.Batay sa datos ng Epidemiology Bureau (EB) ng DOH, mula Enero 1 hanggang Hunyo 17, 2023 lamang ay nasa 72,333 ang...
DOH, nagbabala sa ilang karamdamang posibleng manalasa ngayong El Niño
Binalaan ng Department of Health (DOH) nitong Lunes ang publiko laban sa ilang karamdamang maaaring manalasa ngayong panahon ng El Niño.Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na may malaking epekto ang panahon sa kalusugan ng publiko.Aniya, sa...
Standby funds para sa Albay evacuees, higit ₱2B pa! -- Malacañang
Nasa ₱2 bilyon pa ang standby funds at imbak na pagkain ng pamahalaan para sa mga lumikas na residenteng apektado ng patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.Ito ang isinapubliko ng Malacañang nitong Lunes batay na rin sa ulat ng Department of Social Welfare and...
Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Lunes ng hapon, Hulyo 10, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 4:45 ng hapon.Namataan ang...
Nanalo ng ₱41M sa Mega Lotto, first-time bettor!
Kinubra na ng first-time bettor mula sa Pampanga ang kaniyang napanalunang mahigit ₱41 milyon sa Mega Lotto 6/45, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes, Hulyo 10. photo courtesy: PCSO/FACEBOOKAyon sa PCSO, ang naturang lotto game ay binola...