BALITA
- Probinsya
Magkapatid, pinainom ng bleach bago pinatay
DINGLE, Iloilo – Masusing iniimbestigahan ng pulisya ang brutal na pagpatay sa isang magkapatid sa bayang ito, iniulat ng pulisya kahapon.Ayon sa Dingle Municipal Police Station (DMPS), naganap ang krimen sa Barangay San Matias, Dingle, Iloilo. Kinilala ang mga biktima na...
Jose Rizal Highway, pinagtibay
Ipinasa ng House Committee on Public Works and Highways ang pagpapangalan sa pitong pambansang lansangan sa Rizal bilang Jose Rizal Highway.Pinagtibay ng komite, na pinamumunuan ni Benguet Rep. Ronald M. Cosalan, ang House Bill 6130 na inakda ni Antipolo City Rep. Romeo M....
Isa pang bayan sa Zambo Norte, iginiit
Naghain sa Kamara si Zamboanga del Norte Rep. Isagani Amatong ng panukala upang lumikha ng bagong bayan, na tatawaging Lintangan, mula sa munisipalidad ng Sibuco sa Zamboanga del Norte.Layunin ng House Bill 5830 ni Amatong na mailapit ang mga tao sa gobyerno, dahil ang...
Nueva Ecija: Presyo ng palay, sumadsad
TALAVERA, Nueva Ecija - Dismayado ang maraming magsasaka sa bayang ito dahil sa biglang pagbaba ng presyo ng kanilang mga aning palay, sa gitna ng matinding tagtuyot na dulot ng El Nino.Matapos maapektuhan ng pesteng “hanep” ang maraming sakahan sa mga barangay ng Sibul,...
Pasahero, hinoldap ng driver, konduktor ng jeep
TARLAC CITY – Isang ginang ang hinoldap ng mismong driver at konduktor ng sinakyan niyang pampasaherong jeepney sa highway ng Sitio Maligaya, Barangay Maliwalo, Tarlac City.Ayon kay PO2 Julius Apolonio, natangay ang dalawang gintong singsing at isang pares ng hikaw,...
Gang leader, SAF member, patay sa sagupaan
ZAMBOANGA CITY – Isang kilabot na gang leader at isang pulis ang napatay sa 30-minutong sagupaan kahapon ng madaling araw sa Sitio Lemon, Barangay Salvacion sa Labason, Zamboanga Del Norte.Kinilala ni Police Regional Office (PRO)-9 Spokesman Supt. Rogelio Alabata ang...
Sunog sa Mt. Apo, naapula na
DAVAO CITY – Tuluyan nang naapula ang sunog na lumamon sa ilang bahagi ng kagubatan sa pinakamataas na bundok sa bansa, ang Mt. Apo, sa nakalipas na mga linggo, ayon sa pangunahing opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)-Region 11.Ayon kay DENR-11...
2,000 katao sa Tipo-Tipo, lumikas
Nagsilikas ang may 2,000 katao mula sa dalawang barangay dahil sa takot na maipit sa tuluy-tuloy na labanan sa pagitan ng militar at ng Abu Sayyaf Group (ASG).Inihayag ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng Tipo-Tipo na dalawang barangay sa nasabing...
Pangasinan mayor na nambugbog sa matandang tauhan, kinasuhan
URBIZTONDO, Pangasinan - Matapos na bugbugin at pagbantaan ng mayor ng bayang ito ng buhay ng isang 62-anyos na kawani ng market division ng munisipyo, kinasuhan na ang opisyal at ang tatlong sinasabing kasabwat nito.Sinampahan na nitong Martes sa Provincial Prosecutor’s...
Napagtripang managa, todas sa pulis
SAN LEONARDO, Nueva Ecija - Isang 32-anyos na lalaki na sinasabing may sakit sa pag-iisip ang nasawi matapos mabaril ng mga pulis na umaawat sa kanyang pananaga sa Barangay Burgos sa bayang ito nitong Lunes ng umaga.Kinilala ng San Leonardo Police ang napatay na suspek na si...