BALITA
- Probinsya
Oil spill, maaaring umabot sa Batangas - UP experts
Dahil sa paghina ng amihan, maaaring umabot sa Verde Island Passage (VIP) at mga lugar sa baybayin ng Batangas ang oil spill na nagmula sa lumubog na MT PRINCESS EMPRESS, ayon sa mga eksperto mula sa University of the Philippines (UP) Marine Science Institute. Sa pahayag ng...
6 labi ng bumagsak na Cessna 206, nailapag na sa Cauayan City Airport
Nailapag na sa Cauayan City Airport nitong Martes ng umaga, Marso 14, ang anim na labi ng mga sakay ng bumagsak na Cessna 206 sa Isabela. Mula sa Divilican, Isabela, ay tagumpay na naihatid sa airport sa pamamagitan ng helicopter ng Philippine Air Force ang anim na labi...
DOH, nagkaloob ng libreng operasyon sa 217 diabetic patients na may katarata at glaucoma
Kabuuang 217 diabetic patients, na may katarata at glaucoma, ang pinagkalooban ng Department of Health (DOH) ng libreng operasyon sa La Union. Ang glaucoma ay nagdudulot ng vision loss at pagkabulag sa pamamagitan nang pagsira sa optic nerve, na nasa likod ng mata habang ang...
'Cash-for-work' para sa mga apektado ng oil spill sa Antique, tuloy pa rin -- DSWD
Patuloy pa rin ang isinasagawang Cash-For-Work (CFW) program para sa mga residenteng naapektuhan ng oil spill sa Caluya, Antique. Nasa 1,200 na benepisyaryo ang unang grupong sumalang sa programa, karamihan ay mangingisda na nawalan ng kabuhayan dahil sa insidente. Kabilang...
Endangered bird, nadakma sa gitna ng kalsada sa CDO
Isang endangered bird ang namataang palakad-lakad sa highway sa Cagayan De Oro City, na nahuli ng isang concerned citizen na nagngangalang "Teodulo Borden." Ayon sa kaniyang Facebook post, nadakma niya sa gitna ng kalye ang isang "Brown Booby," isang malaking sea bird na...
Mga pamilya ng 6 nasawi sa plane crash sa Isabela, nag-aabang na sa Cauayan
Nag-aabang na sa Tactical Operations Group 2 (TOG 2) headquarters ng Philippine Air Force (PAF) sa Cauayan, Isabela ang mga pamilya ng anim na nasawi sa pagbagsak ng Cessna plane sa Divilacan noong Enero. Ito ay dahil sa inaasahang pagdating ng bangkay ng anim nilang kaanak...
'Di apektado ng oil spill: Puerto Galera, open pa sa mga turista
Dagsa pa rin ang mga turista sa Puerto Galera sa Oriental Mindoro dahil hindi pa ito naapektuhan ng oil spill. Sa pahayag ni Puerto Galera Mayor Rocky Ilagan, ligtas pang puntahan ng mga turista ang mga beach sa lugar dahil wala pang bakas ng pagkalat ng langis. Kabilang...
Isa pang drug den sa Mabalacat, pinuksa ng PDEA, PNP; 5 suspek, arestado
MABALACAT CITY, PAMPANGA -- Isa pang drug den ang dinispatya habang limang drug suspect ang arestado sa Barangay Dapdap, ayon sa ulat nitong Linggo. Ang entrapment operation ay nagresulta din sa pagkakasamsam ng humigit-kumulang Php 103,000.00 ng crystal meth (shabu)....
Senior na umano'y tulak ng droga, nabitag sa isang buy-bust sa Negros
BACOLOD CITY – Arestado ng mga awtoridad ang isang senior citizen na nakuhanan ng 20 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P136,000 sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay 5, San Carlos City noong Sabado, Marso 11. Kinilala ng magkasanib na tauhan ng Philippine Drug...
Nawawalang tripulante ng tugboat sa Cebu, natagpuang patay
Patay na nang matagpuan ang nawawalang tripulante ng isang tugboat sa Cebu nitong Sabado, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG). Dakong 1:00 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ni Joseph Villamor na lumulutang sa karagatang bahagi ng Barangay Ibo, Lapu-Lapu City. Sa social...