BALITA
- Metro

Halos 300 Manilenyong may kanser at nagda-dialysis, natulungan ng Manila LGU
Umabot sa halos 300 Manilenyong may kanser at sumasailalim sa dialysis ang nabigyan ng tulong ng Manila City Government.Nabatid nitong Linggo na ang naturang tulong ay personal na ipinagkaloob ni Manila Mayor Honey Lacuna sa idinaos na regular na 'People's...

Babae, dinukot umano ng lalaking nakilala sa dating app
Kasalukuyang pinaghahanap ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang babae na dinukot umano ng lalaking nakilala niya sa isang dating app.Sa ulat ng ABS-CBN News, higit isang buwan nang nawawala si Irene Melican na isang accountant, ayon sa mga kaanak...

Pagsisilbi ng warrant of arrest, nauwi sa engkwentro; 2 patay
Patay ang dalawang suspek habang apat na pulis naman ang sugatan nang mauwi sa engkwentro ang pagsisilbi sana ng warrant of arrest ng mga ito sa Tondo, Manila nitong Huwebes ng gabi.Kinilala ni Manila Police District (MPD) director PBGEN Arnold Thomas Ibay ang mga napatay na...

Higit 53K Manilenyo, makikinabang sa SAP ngayong Hulyo
Mahigit 53,000 Manilenyo ang makikinabang sa social amelioration program (SAP) ng Manila City Government ngayong buwan.Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, ang lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Manila Social Welfare Department (MDSW) at ng hepe nito na si Re Fugoso, ay...

4 na construction worker, patay sa landslide sa Antipolo
Patay ang apat na construction worker habang tatlong iba pa ang sugatan nang maguhuan ng lupa sa isang landslide sa Antipolo City nitong Miyerkules ng hapon.Hindi pa isinapubliko ang pagkakakilanlan ng mga nasawing biktima na nagkakaedad lamang ng 32, 33, 37 at 56 taong...

Parokya ng St. John the Baptist, sa Taytay, Rizal, minor basilica na
Idineklara na bilang minor basilica ang parokya ng St. John the Baptist sa Taytay, Rizal.Laking pasalamat naman ni Antipolo Bishop Ruperto Santos sa naturang solemn declaration.Sa kanyang welcome message, sinabi ni Santos na dapat isabuhay at ipalaganap ang pagiging...

Makasaysayang Marikina Shoe Museum, binisita nina FL Liza at dating FL Imelda Marcos
Binisita nina First Lady Liza Araneta-Marcos at dating First Lady Imelda Marcos ang makasaysayang Marikina Shoe Museum, kung saan matatagpuan ang pamosong koleksiyon ng mga sapatos ng dating Unang Ginang.Nabatid na ang naturang shoe museum, na siyang nag-iingat ng tinatayang...

2 kabataang nambato ng silya sa mga referee, pinangaralan, pinarusahan ni Mayor Biazon
Humarap na kay Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon ang dalawang kabataang nambato umano ng silya sa mga referee sa nangyaring kaguluhan sa La Liga de Muntinlupa Basketball Tournament 2024 noong Hulyo 5.Una na rito, naglabas ng pahayag si Biazon nang una niya niyang mabalitaan ang...

Pagbangga ng private vehicle sa trailer truck, kumitil ng buhay
Patay ang isang driver matapos na bumangga ang minamaneho niyang multi-purpose vehicle (MPV) sa isang nakaparadang trailer truck sa Tondo, Manila nitong Lunes ng umaga.Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima na inilarawang nagkaka-edad lamang ng hanggang...

‘Back-to-School Shoe Bazaar’ sa Marikina City, bukas na
Magandang balita dahil bukas nang muli ang taunang Balik-Eskwela Shoe Bazaar sa Marikina City, na tinaguriang ‘Shoe capital of the Philippines.’Nabatid na ang shoe bazaar na matatagpuan sa Marikina Freedom Park, sa tapat ng Marikina City Hall, ay pormal nang binuksan ng...