BALITA
- Internasyonal
Brussels airport, muling bubuksan
BRUSSELS (AP) — Isang linggo matapos ang madugong suicide bomb attacks, susubukin ng Brussels Airport ang kapasidad nito sa bahagyang pagbubukas ng serbisyo sa mga pasahero. Ngunit hindi pa malinaw kung kailan talagang magbabalik ang serbisyo nito, sinabi ng isang opisyal...
Japan radar station, ikinagalit ng China
YONAGUNI, Japan (Reuters) – Pinagana ng Japan nitong Lunes ang radar station nito sa East China Sea, na magbibigay dito ng permanent intelligence gathering post malapit sa Taiwan at sa grupo ng mga isla na pinagtatalunan nila ng China, na ikinagalit ng Beijing.Ang bagong...
Dalangin ni Pope Francis: Hope in hearts burdened by sadness
Ni MARY ANN SANTIAGOHindi dapat na mawalan ng pag-asa ang mga mananampalataya sa kabila ng terorismo at iba pang hindi magagandang pangyayari sa mundo.Ito ang mensahe ni Pope Francis nang pangunahan niya ang Easter Sunday celebration ng mahigit isang bilyong Katoliko sa...
UK tabloid, kinondena sa maling pahayag
LONDON (AFP) – Tinawagan ng pansin ng press regulator ng Britain ang The Sun tabloid ni Rupert Murdoch dahil sa “significantly misleading” na istorya na nagsasabing nakikisimpatiya sa jihadist fighters ang isa sa limang British Muslim.Ang nasabing istorya ay...
Bayan sa Syria, nabawi sa IS
DAMASCUS, Syria (AP) – Matagumpay na naitaboy kahapon ng puwersa ng gobyerno, na suportado ng Russian airstrikes, ang mga mandirigma ng Islamic State (IS) mula sa Palmyra, winakasan ang paghahasik ng lagim ng grupo sa bayan na ang 2,000-anyos na guho ay dinarayo noon ng...
Pope Francis, most popular world figure
Dahil ang Kristyanismo ang nangungunang relihiyon sa mundo, binubuo ng mahigit dalawang bilyong tagasunod, hindi na nakagugulat na si Pope Francis ay mas popular kaysa karamihan ng mga lider ng mundo, ayon sa survey ng WIN/Gallup International.Ibinahagi ng BBC News...
Soccer stadium sa Iraq, binomba: 29 patay, 60 sugatan
BAGHDAD (AP) - Pinasabugan ng isang suicide bomber ang isang soccer stadium dito nitong Biyernes, na ikinasawi ng 29 na katao at 60 iba pa ang nasugatan, kinumpirma ng mga opisyal.Nangyari ang pagpapasabog sa kasagsagan ng soccer match sa lungsod ng Iskanderiyah, 30 milya...
2 preso, binitay sa Japan
TOKYO (AFP) – Binitay ng Japan ang dalawang preso sa death row nitong Biyernes, ayon sa justice ministry, binalewala ang mga panawagan ng international rights groups na wakasan na ang capital punishment.Pinatay ni Junko Yoshida, 56, ang dalawang lalaki noong huling bahagi...
Resignation ng 2 Belgian minister, tinanggihan
BRUSSELS (Reuters) – Nag-alok na magbitiw sa tungkulin ang interior at justice ministers ng Belgium sa kabiguang matiktikan ang Islamic State militant na ipinatapon ng Turkey at kalaunan ay pinasabog ang sarili sa Brussels airport nitong Martes.Isa si Ibrahim El Bakraoui...
Iran: 7 patay sa air ambulance crash
TEHRAN, Iran (AP) - Kinumpirma ng IRNA news agency ng Iran ang pagbulusok ng air ambulance helicopter sa katimugang bahagi ng Iran, na ikinasawi ng pitong pasahero nito. Ayon sa ulat nitong Biyernes, sakay sa helicopter ang pasyenteng may malalang kondisyon mula sa liblib na...