BALITA

Estrada, inihirit ang kaso ni Enrile sa bail petition
Kung ang kanyang kabaro at kapwa akusado sa plunder na si Sen. Juan Ponce Enrile ay pinayagang makapagpiyansa, iginiit ni Sen. Jose “Jinggoy” Estrada na dapat na pagkalooban din siya ng kahalintulad na pribelehiyo ng Sandiganbayan Fifth Division.Ito ang idinahilan ni...

Tax exemption sa balikbayan box ng OFWs, umani ng suporta
Pinuri ng senatorial bet na si Leyte Rep. Martin G. Romualdez ang bicameral conference committee na tumatalakay sa panukalang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) sa pagpapanatili nito sa probisyon na nagtataas ng tax exemption ceiling para sa mga balikbayan box sa...

Pulis, hinoldap ng riding-in-tandem
Kahit alagad ng batas ay hindi pinaligtas ng riding-in-tandem, matapos nila itong holdapin habang nagpapa-car wash sa Caloocan City, nitong Sabado ng umaga.Nagpupuyos sa galit habang kinukunan ng pahayag sa Station Investigation Division (SID) si SPO1 Leo Letrodo, 54,...

Medal of Valor sa 2 sa SAF 44, igagawad ngayon
Inaprubahan ni Pangulong Aquino ang paggawad ngayong Lunes ng Medal of Valor sa dalawang opisyal ng Philippine National Police- Special Action Force (PNP-SAF) na kasamang nasawi sa madugong engkuwentro sa Mamasapano, Maguindanao, noong Enero 25, 2015.Sinabi ni Presidential...

Tricycle driver, hindi namigay ng balato, pinatay
Bigo ang mga kapitbahay ng isang tricycle driver na isalba ang kanyang buhay matapos siyang pagsasaksakin ng kanyang kasamahan sa Barangay Payatas A, Quezon City, nitong Sabado ng gabi.Base sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD)-Criminal Investigation and Detection...

Malabon councilor, patay sa riding-in-tandem
Patay ang isang konsehal ng Malabon City sa pananambang ng dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo, sa tapat ng bahay ng biktima sa siyudad, nitong Sabado ng hapon.Kinilala ng pulisya ang biktima na si Councilor Merlin “Tiger” Mañalac.Nasa loob pa ng kanyang...

Malacañang: P188-M benepisyo, naibigay na sa 'SAF 44'
Iginiit ng Malacañang kahapon na naipamahagi na sa naulilang pamilya ng 44 na tauhan ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) ang mahigit P188.338-milyon halaga ng ayuda.Inisa-isa ni Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma Jr....

CCT program para sa senior citizens, dapat palawakin
Inihirit kahapon ni Vice President Jejomar Binay na mabiyayaan din sa Conditional Cash Transfer (CCT) program ng pamahalaang Aquino ang mga edad 60 hanggang 64.“Ang pagiging senior citizen ay nagsisimula sa edad 60. Bakit hindi sila isinama sa program?” tanong ni Binay...

Kampanya ng PNP vs ilegal na droga, pinaigting pa
Ni AARON B. RECUENCOBinigyan ng quota ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng himpilan nito, kahit hanggang sa pinakaliblib na lugar sa bansa, kaugnay ng pinaigting na kampanya ng pulisya laban sa ilegal na droga.Sinabi ni Interior Secretary Mel Senen Sarmiento na...

Joint exploration, tanging solusyon sa WPS issue?
Sinabi kahapon ng pinuno ng House Independent Bloc na panahon nang ikonsidera ng mga bansang pare-parehong may inaangking bahagi sa South China Sea, o West Philippines Sea (WPS), ang posibilidad ng joint exploration at development sa mga pinag-aagawang isla upang payapang...