BALITA
Jaybee Sebastian inilipat sa NBI
Nasa pangangalaga na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang high profile inmate na si Jaybee Sebastian, ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II. Sinabi ni Aguirre na naging mahigpit ang pagbabantay sa seguridad kay Sebastian nang ilipat ito sa NBI detention...
Pagpapapalit ng lumang pera, pinalawig
Nagtakda ng bagong deadline ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa pagpapapalit ng lumang pera. Sa halip na hanggang Disyembre 31, 2016, pinalawig ng BSP ang deadline sa pagpapapalit ng lumang banknotes hanggang sa Marso 31, 2017. Ayon kay BSP Deputy Governor Nestor...
NCR hotspot sa indiscriminate firing
Itinuturing ng Philippine National Police (PNP) ang Metro Manila bilang hotspot ng mga insidente ng indiscriminate firing sa harap ng masigasig na kampanya ng pulisya upang mabawasan ang pagkamatay at pagkasugat dahil sa ligaw na bala ilang araw bago ang pagsalubong sa...
92 corrupt sinipa ni Duterte
DAVAO CITY – Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na 92 opisyal na ng gobyerno ang sinibak niya sa serbisyo matapos maakusahan ng kurapsiyon, sa gitna na rin ng kampanya ng pamahalaan laban sa katiwalian sa simula pa man ng kanyang pagkapangulo. Ito ang inihayag ng...
New Year's Resolution
TIIIIKTILAOOOK!!! Sa pagpasok ng Taong 2017, patok na naman ang mga tandang dahil ito ay “Year of the Rooster,” ayon sa Chinese calendar. Bagamat hindi lahat ng Pinoy ay may impluwensiyang Chinese, marami rin ang nakikibagay sa paniniwala at tradisyon ng mga Tsino dahil...
Pagsabog sa Kabul
KABUL (Reuters) – Nasugatan ang isang miyembro ng parliament ng Afghanistan na tinarget ng pambobomba sa kabisera nitong Miyerkules. Kasama ring nasugatan ni Fakori Behishti, miyembro ng parliament mula sa probinsiya ng Bamyan, ang kanyang anak na lalaki at maraming iba...
Cheetah, nauubos na
LONDON (Reuters) – Nanganganib na maubos ang cheetah, ang world’s fastest land animal dahil wala na silang lugar na matatakbuhan, natuklasan sa pananaliksik na pinangunahan ng Zoological Society of London (ZSL). Mayroon na lamang ngayong 7,100 cheetah sa mundo, o 9...
Nuke threat dahil sa pekeng balita
ISLAMABAD (AFP) – Nagbanta ang defence minister ng Pakistan na gaganti sa anumang nuclear strike ng mga Israeli matapos maloko ng pekeng balita sa isang news site. Nag-react si Khawaja Asif sa imbentong istorya na inilathala sa website na AWDNews at may headline na:...
Nawawalang Fil-Am nasa panganib
Pinaigting pa ang paghahanap sa nawawalang 42-anyos na Filipino-American mula sa DeKalb County, Georgia matapos magpahayag ng pangamba ang mga pulis na siya ay nasa matinding panganib o mas malala pa. Ayon sa mga ulat, nawala si Cecilia Bustamante noong Oktubre. Naiwan niya...
Satisfaction rating ni Robredo, iba pang opisyal lumagapak
Hindi na gaanong nasisiyahan ang mga Pilipino sa work performance ng apat na matataas na opisyal ng pamahalaan, batay sa resulta ng fourth quarter survey ng Social Weather Stations (SWS). Isinagawa ang survey noong Disyembre 3 hanggang 6 sa 1,500 respondent. Lumabas dito na...