BALITA

Bagong hemodialysis package ng PhilHealth, pinaiimbestigahan
Nais ni Bayan Muna Party-list Rep. Neri Colmenares na busisiin ng Kongreso ang bagong hemodialysis package na ipinatutupad ng PhilHealth.Ayon sa mga report, hinihingan ng karagdagang pera ang mga nagpapa-dialysis at inihihiwalay pa ang mahahalagang laboratory procedures...

Graphic health warning sa kaha ng yosi, ipatutupad sa Marso 3
Natapos na rin, sa wakas, ang paghihintay ng mga nangangampanya laban sa paninigarilyo.Tiniyak ng Department of Health (DoH) na hindi na ipagpapaliban pa ang pagpapatupad sa Graphic Health Warning (GHW) Law, o RA 10643.Sa isang panayam nitong Biyernes, sinabi ni Health...

Pagpapatigil sa plunder hearing vs GMA, palalawigin
Hiniling ng abogado ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo sa Korte Suprema na palawigin ng karagdagang 90 araw ang status quo ante order (SQAO) na pansamantalang nagpapatigil sa mga pagdinig ng Sandiganbayan sa kasong plunder laban sa...

Pacquiao endorsement sa Marikina shoes: Pinuri, binatikos
Matapos ilaglag ng dambuhalang shoemaker na Nike dahil sa kontrobersiyal niyang pahayag tungkol sa LGBT community, umani ng papuri ang world boxing champion na si Sarangani Rep. Manny Pacquiao sa pag-endorso niya sa mga sapatos na gawa sa Marikina City.Kasabay nito, naging...

Supply ng asukal, sapat—SRA
Tiniyak ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na sapat pa rin ang supply ng asukal sa bansa sa kabila ng nararanasang El Niño phenomenon.Paliwanag ni SRA Administrator Ma. Regina Bautista-Martin, umangkat na ang ahensiya ng aabot sa 170,000 metriko tonelada ng asukal...

PNP-AFP, sanib-puwersa sa seguridad ng presidential debate
Tiniyak ng pulisya ang seguridad ng presidentiables, kanilang mga tagasuporta, at bisita na dadalo sa “PiliPinas Debates 2016”, na gaganapin ngayong araw (Pebrero 21), sa Capitol University sa Cagayan De Oro City. Nagtalaga ng apat na platoon ang Philippine National...

5 Chinese, tiklo sa illegal online gambling
Arestado ang limang Chinese teenager, dahil sa umano’y operasyon ng illegal online gambling sa isang inuupahang apartment sa Calapan City, Mindoro.Sa kanyang ulat, kinilala ni Supt. Jonathan P. Paguio, hepe ng Calapan City Police, ang mga suspek na sina Wang Hang, 22; Run...

5 arestado sa fake US dollars
Hindi na nakapalag ang limang pinaghihinalaang miyembro ng isang sindikato, na nasa likod ng pagpapakalat ng mga pekeng US dollar sa Mindanao, nang posasan sila ng mga pulis na sumalakay sa kanilang pinagtataguan sa Valencia City, Bukidnon.Kinilala ni Director Victor Deona,...

4 na NBP guards na kakutsaba ng inmates, kinasuhan
Sinampahan na ng kasong administratibo ang apat sa anim na prison guard ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City dahil sa umano’y pakikipagsabwatan sa mga bilanggo sa pagpupuslit ng mga kontrabando sa loob ng pambansang piitan.Ito ang inihayag kahapon ni NBP...

Magsyota, arestado sa pag-encash ng P1-M fake check
Arestado ang isang magsyota matapos nilang tangkaing i-encash ang pekeng tseke, na nagkakahalaga ng P1 milyon, sa isang sangay ng Philippine National Bank (PNB) sa Valenzuela City, nitong Biyernes.Kinilala ng pulisya ang dalawang suspek na sina Anne Marie Cayabyab, 38; at...