BALITA
USN Pacific commander, napabilib sa Pinoy
Pinuri ng matataas na opisyal ng US Navy Pacific Fleet, na namuno sa 2016 Pacific Partnership humanitarian mission sa bansa kamakailan, ang mahusay at mabisang disaster risk reduction (DRR) program ng Albay, at sinabing dapat itong matutuhan ng buong mundo, kasama na ang...
Waitress sinabuyan ng asido ng holdaper
SAN JOSE CITY - Nasunog ang mukha ng isang 18-anyos na dalagang waitress makaraang sabuyan siya ng muriatic acid ng dalawang hindi kilalang lalaki na nangholdap sa kanya habang pauwi mula sa pinaglilingkurang resto bar sa Barangay Rueda sa lungsod na ito, Huwebes ng madaling...
San Luis sa Batangas, drug-cleared
SAN LUIS, Batangas - Idineklara nitong Huwebes ang bayan ng San Luis sa Batangas bilang kauna-unahang drug-cleared municipalicity sa bansa, kaugnay ng kampanya ni Pangulong Duterte laban sa droga.Pinangunahan ni Police Regional Office (PRO)-4A Director Senior Supt. Leopoldo...
Ayaw makipag-sex, kinatay ni mister
APARRI, Cagayan – Kakila-kilabot na kamatayan ang sinapit ng isang babaeng overseas Filipino worker (OFW) matapos siyang paghahatawin ng kahoy at pagtatagain ng sarili niyang mister makaraan siyang tumangging makipagtalik dito sa Barangay Paddaya, Aparri.Kinilala ni SPO1...
Pump boat lumubog, 5 patay
Limang katao, kabilang ang apat na bata, ang nalunod makaraang lumubog ang sinasakyan niyang pump boat sa Surigao City nitong Miyerkules, iniulat kahapon ng Philippine Coast Guard (PCG).Ayon kay PCG Spokesman Commander Armand Balilo na posibleng magkakamag-anak ang mga...
Guro pinalaya ng Abu Sayyaf
ZAMBOANGA CITY – Pinalaya ng Abu Sayyaf Group (ASG) nitong Huwebes ng umaga sa Barangay Danag sa Patikul, Sulu ang isang guro sa pampublikong paaralan makaraang dukutin ito tatlong araw na ang nakalipas.Kinilala ni Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command...
5 'tulak' pinagtutumba sa loob ng 24-oras
ILOILO CITY – Sa loob lang ng mahigit 24 na oras, limang umano’y drug pusher ang magkakasunod na napatay sa mga anti-drug operation ng pulisya sa Western Visayas.Ang huli ay isang retiradong pulis, na binaril at napatay sa Iloilo City nitong Huwebes ng gabi. Napatay si...
Kelot itinumba ng ‘bonnet gang’
Agad ikinamatay ng isang lalaki ang mga tama ng bala na natamo sa pakikipaghabulan sa apat na armado na hinihinalang miyembro ng “bonnet gang” sa Caloocan City, nitong Huwebes ng gabi.Dead on the spot ang biktimang si Gilbert Manansala, 41, ng Libis Espina, Barangay 18...
Binatilyo naghihingalo sa kaaway
Nag-aagaw-buhay ang isang lalaki matapos umanong pagsasaksakin ng mortal niyang kaaway sa Malabon City, nitong Huwebes ng gabi.Nakilala ang biktima na si Albert Garcia, 25, ng Block 14-D, Lot 24, Phase 2, Area 3, Dagat-Dagatan Avenue, Barangay Longos ng nasabing lungsod,...
35K drug personalities, ipinatutugis ni Erap
Ipinag-utos ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang pagtugis sa mahigit pang 35,000 drug pusher at user sa Maynila, na kabilang sa kanilang watchlist.“Hahabulin natin sila hanggang mawala ang droga dito sa Maynila. Inatasan ko na ang MPD at mga barangay na paigtingin...