BALITA
Mouthwash, nakatutulong sa pagpuksa ng Gonorrhea bacteria
NAPAG-ALAMAN na makatutulong ang pagmumumog ng mouthwash para mapigilan ang pagtubo ng bacteria na nagdudulot ng gonorrhea na matatagpuan sa lalamunan ng tao. Ito ay ayon sa bagong pag-aaral sa Australia. Hindi na bago ang ideya na nakapupuksa ng bacteria ang mouthwash –...
Pagkabahala at depresyon, pangunahing isyu sa cancer survivors
MAY napakalaking epekto ang cancer sa kalusugan ng pag-iisip at pangangatawan ng tao, ayon sa ulat ng mga researcher sa ESMO Asia 2016 Congress sa Singapore. Napag-alaman sa resulta ng isang pag-aaral sa Malaysia sa 1,362 pasyente na apat sa limang survivor ang nakararanas...
Tunisian, suspek sa Berlin attack
BERLIN/DUESSELDORF (Reuters) – Pinaghahanap ng German police ang isang asylum-seeker mula sa Tunisia matapos matagpuan ang isang identity document sa ilalim ng driver’s seat ng truck na umararo sa Berlin Christmas market na ikinamatay ng 12 katao, sinabi ng mga opisyal...
Facebook, Google at Twitter kinasuhan
CHICAGO (AFP) – Kinasuhan ng mga pamilya ng biktima ng Orlando night club shooting ang Facebook, Twitter at Google dahil sa pagsasapubliko ng mga “material support” na naging source diumano ng Islamic State sa malawakang propaganda at nag-udyok sa pag-atake ng grupo....
Regalong buhay, pahalagahan – Cardinal Tagle
Higit na mahalaga kaysa anumang materyal na regalo ngayong Pasko ang handog na buhay ng Panginoon. Sa Simbang Gabi sa San Jose Manggagawa Parish Church, sa Tondo, Maynila, sinabi ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na dapat nating tularan sina San Jose at...
Duterte, 'excellent' pa rin para sa mga Pinoy
Nagpasalamat ang Malacañang sa sambayanang Pilipino sa patuloy na pagtitiwala kay Pangulong Rodrigo Duterte, na nanatiling “excellent” ang net public confidence sa +72, batay sa 2016 Fourth Quarter survey ng Social Weather Station. Sa press statement na inilabas...
Anu-ano ang masuwerteng ihain sa Noche Buena?
Dalawang araw bago sumapit ang Pasko, hinimok ng isang feng shui expert ang publiko na maghanda ng walo hanggang 12 uri ng pagkain sa Noche Buena para sa masuwerte, maligaya at masaganang Kapaskuhan. “If you cannot serve 12 kinds of dishes, eight kinds would be okay. As...
'Nina' sa Pasko pinaghahandaan
Posibleng maging maulan ang Pasko sa Bicol Region at Southern Luzon, kasama na ang Metro Manila, makaraang maging ganap na bagyo ang typhoon “Nock-ten” (international name) na inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility kagabi o ngayong umaga bilang huling...
P3.35-T national budget pirmado na
Nilagdaan na kahapon ni Pangulong Duterte ang P3.35-trilyon national budget para sa 2017 o General Appropriations Act 10924. Ito ang unang national budget na pinirmahan ni Duterte bilang pangulo ng bansa, na ginawa dakong 1:00 ng hapon. Maliban sa mga regular na...
Turuan, pasahan sa ipinasasauling P20M
Hindi nagawang i-turn over ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente ang P20 milyon na bahagi ng P50 milyon na umano’y nagmula sa pangingikil ng dalawang deputy commissioner ng kawanihan mula sa gambling operator na si Jack Lam. Miyerkules nang binigyan ng...