BALITA
14 sa gobyerno, sibak sa PDAF scam
Ipinag-utos ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang pagsibak sa serbisyo sa 14 na opisyal ng gobyerno na sangkot sa umano’y maanomalyang paggastos sa P480.5-milyon Priority Development Assistance Fund (PDAF) ni dating Senador Jinggoy Estrada. Permanente na ring...
'Stonefish' ni Sara Duterte, isinilang na
DAVAO CITY – Isinilang na ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio si baby boy “Stonefish”, ang pinakabagong karagdagan sa Presidential family, pahayag ng City Information Office kahapon. Naging maselan ang pagbubuntis ni Mayor Duterte, na inihayag niya noong nakaraang...
2 Senate guard ni De Lima binawi na
Binawi na kahapon ang dalawang Senate security personnel na unang itinalaga para bantayan si Senator Leila de Lima sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City. Ito ang kinumpirma kahapon ni Senate President Koko Pimentel makaraang itakda...
'Kurapsiyon' sa NIA, aalamin
Hindi dapat mabahiran ng kurapsiyon ang mga public servant, sinabi ng Malacañang nitong Huwebes matapos magdesisyon si Pangulong Duterte na tuluyang pakawalan ang irrigation chief ng bansa na nagbitiw sa mga akusasyon sa pangingikil. Inamin ni Presidential spokesman...
Ex-cop huli sa pananakit ng bata
Sa kulungan ang bagsak ng isang dating pulis matapos ireklamo ng pananakit sa dalawang menor de edad sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Sa panayam kay SPO2 Lorena Hernandez ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD), nahaharap sa kasong slight physical injuries...
Bgy. captain pinaputukan sa ulo
Patay ang isang kapitana makaraang pagbabarilin ng armdo habang naglalakad pabalik sa barangay hall sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi. Dalawang tama ng bala sa ulo ang ikinamatay ni Nenita Acuña, 43, kapitana ng Barangay 200, Zone 18, District 2, at residente ng 1026-A...
Nagtangkang pumatay kay Decena, tiklo
Tuluyan nang nahuli ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang dating pulis-Pasig na suspek sa tangkang pagpatay kay Christina Decena, dating kinakasama ng aktor na si Philip Salvador, mahigit tatlong taon na ang nakararaan. Iniharap kahapon sa media ni MPD...
Habambuhay sa 'Tinga Drug Syndicate' member
Habambuhay na pagkakabilanggo ang hatol ng Taguig City Regional Trial Court (RTC) laban sa isang miyembro ng “Tinga Drug Syndicate” habang 10-15 taong pagkakakulong ang ipinataw sa dalawa niyang kasabwat sa pagbebenta ng ilegal na droga. Sa 32 pahinang desisyon ni Taguig...
Rider tumilapon sa flyover
Patay ang isang motorcycle rider nang mahulog ito mula sa Edsa-Buendia flyover sa Makati City, kahapon ng umaga. Dali-daling isinugod sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City ngunit namatay din si Ronel P. Badong, nasa hustong gulang, ng Pier 18, Vitas, Tondo...
ILBO vs road rage suspect
Nakaalerto na ang immigration authorities laban sa road rage suspect na maaaring magtankang lumabas ng bansa matapos barilin at patayin ang isang motorista na nakatalo nito sa trapiko sa Quezon City nitong nakaraang linggo. Nag-isyu ng memorandum si Justice Secretary...