4 na lalaki, arestado; higit ₱44M halaga ng shabu, marijuana atbp., narekober
Timbog ang apat na lalaking high-value individuals (HVI) at mahigit ₱44 milyong halaga ng iba’t ibang uri ng ilegal na droga ang nakumpiska ng awtoridad matapos ikasa ang isang malawakang anti-drug drive sa iba’t ibang panig ng bansa.Ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP) noong Lunes, Disyembre 15, isinagawa ang malawakang anti-illegal drug operation mula noong Linggo, Disyembre 14...