Usap-usapan ang pag-ungkat ng tinaguriang "Sexiest Doctor Alive" na si Dr. Mike Varshavski o "Doc Mike" tungkol sa nakaraan nila ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach-Jauncey.
Ginawa ni Doc Mike ang rebelasyon tungkol sa pagde-date nila ni Pia sa kamakailang episode ng kaniyang YouTube channel kasama ang Filipino-Canadian nurse at content creator na si John dela Cruz, o Nurse John.
Puring-puri ni Doc Mike ang Filipino workers, lalo na ang mga nurse na nakakatrabaho niya sa ospital, dahil daw sa pagiging masayahin nila.
"There's this infectious happiness that comes from working with a fellow Filipino," saad ni Doc Mike.
Segunda naman ni Nurse John, "We're just happy people, like we see good in everything that we do..."
Ibinida pa ni Nurse John na talagang masayahin lang ang mga Pinoy dahil dito na lang daw idinaraan ang hirap na kanilang kinahaharap lalo na sa Pilipinas.
Dito na nga nabanggit ni Nurse John ang tungkol sa Miss Universe pageant na isa sa mga inaabangan ng mga Pilipino.
"Unfortunately, I'm very well-versed," nangingiting sagot ni Doc Mike.
“Well, you probably don’t know but I should share some of my history. I dated Pia Wurtzbach at the peak of her career,” sundot pa niya.
"Pia Wurtzbach? Are you kidding me right now?" hindi makapaniwalang tanong ni Nurse John.
"No," sagot naman ni Doc Mike.
Halos 10 taon matapos silang unang ma-link, muling napag-usapan ang dating ugnayan nina Doc Mike at Pia.
Batay sa mga ulat, nagkakilala umano ang dalawa sa isang maliit na gathering sa New York noong Pebrero 2016, habang si Pia pa ang may hawak ng korona ng Miss Universe.
Hindi nagtagal, kumalat online ang kanilang mga larawan at video na magkasama, dahilan upang magsimulang mag-isip ang publiko kung may namamagitan sa kanila.
Sa isang Facebook Live noong Marso 2016, una nang sinabi ni Wurtzbach na wala siyang dine-date noon at nakatuon siya sa kaniyang mga tungkulin bilang Miss Universe.
Kalaunan, gayunman, kinumpirma rin niya sa isang television interview na nagde-date nga sila ni Doc Mike.
Isa sa mga naging kapansin-pansing bonding nila ay ang helicopter ride sa New York City noong 2016, na ibinahagi rin ni Doc Mike sa vlog.
Sa panayam ni Dyan Castillejo ng ABS-CBN News kay Pia noong Marso 2016, inamin niyang enjoy siyang kasa-kasama si Doc Mike at nasa dating stage sila.
“I said before, Miss Universe is still my priority,” anang Pia. “I’ve been working to get this title for a very long time and I love my job, I really do. I’m very passionate about it and it’s gonna stay that way for a long time.”
Sa pamamalagi raw niya sa New York, kasa-kasama niya si Doc Mike na nakaka-bonding niya.
“I mean, kasi bago pa lang ako sa New York, mga three months pa lang naman ako do’n, maganda rin yung mayroon kang nakikilala, di ba?
“He’s been very respectful in knowing that my priority is Miss Universe and I appreciate that very much. He knows that this is my life right now, and I have the organization behind me and Philippines behind me, and he respects that.
Maki-Balita: Pia Wurtzbach, na-in love na kay Dr. Mike
Si Doc Mike, na buong pangalang Mikhail Varshavski, ay isang physician at vlogger na bukod sa kaniyang medical career, malaki rin ang kaniyang online following dahil sa health, lifestyle at educational content. Noong 2015, pinangalanan din siya ng People bilang “Sexiest Doctor Alive.”
Hindi naman na-reveal kung bakit natigil ang dating nilang dalawa bandang Mayo 2016, pero pinag-usapan ng mga netizen ang cryptic post ni Pia.
“Boy, I’m a prize not a catch," aniya.
Pagkatapos ng helicopter date nilang dalawa, wala na raw uling narinig mula kay Pia nang mga sandaling iyon. Hindi na rin daw siya nag-post ng mga larawan ng guwapong doktor.
Kaya espekulasyon ng mga netizen noon na baka nagkalabuan na silang dalawa.
Maki-Balita: Pia at Dr. Mike, nagkalabuan na?
Sa kasalukuyan, happily married na si Pia kay Scottish-Colombian businessman at content creator Jeremy Jauncey noong Marso 2023.
Maki-Balita: Pagpapakasal kay Pia Wurtzbach, 'best decision' kay Jeremy Jauncey
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Pia tungkol dito.