September 01, 2026

Home BALITA Internasyonal

Lionel Messi, magreretiro na sa Argentina Nat'l Team!

Lionel Messi, magreretiro na sa Argentina Nat'l Team!
Photo courtesy: Lionel Messi (IG)

Inanunsyo ng Argentine football superstar na si Lionel Messi ang kaniyang opisyal na pagreretiro sa National Team ng bansang Argentina. 

Isa si Messi sa maituturing na “Greatest Of All Time” (GOAT) sa larangan ng football at tinutukan ng karamihang fans hindi lang sa Argentina kundi pati na rin sa iba’t ibang mga bansa sa buong mundo. 

Matatandaang ikatlong beses na sumabak si Messi bilang manlalaro ng Argentina sa FIFA World Cup finals ngunit bigo nilang masungkit ang kampeonato kontra Spain noong Hulyo 19, 2026. 

Sa inilabas na pahayag ni Messi sa kaniyang Instagram account noong Lunes, Agosto 31, 2026, sinabi niyang marami na rin daw siyang iniisip matapos ang naging finals nitong nakaraang FIFA World Cup. 

“After this time that has passed since the final, thinking a lot, I want to inform you all that I am retiring from the National Team,” pagsisimula niya.

Internasyonal

DMW, nilinaw na wala pang napapaulat na Pilipinong nasawi sa Nepal

 

Screenshot mula sa IG post ni Messi. 

Ani Messi, hindi rin daw madali para sa kaniya ang desisyong magretiro dahil lagi na raw niyang ibinibigay ang lahat para manalo sa kupunan ng Argentina noon pa man upang makapagbigay ng galak sa kaniyang mga kababayan sa pamamagitan ng paglalaro ng football. 

“It was a decision that hurt and hurts in the soul but I understand it's time. I swear that I always left everything, not only the last years that everything was won before also and I always fought and left everything for this shirt, to give them joy and make them proud to be Argentinian through football,” aniya

Dagdag pa niya, “It's almost time and stages are closing and this is one that hurts me a lot. I love, loved and will always love being in the National Team. I emptied myself, I don't have anything else to give and aside come very big boys behind who deserve to be.” 

Diin ni Messi, nagpapasalamat siya sa loob ng dalawang dekada na paglalaro niya sa Argentina at tiyak daw na hahanapin niya pa rin ang pakiramdam na marinig ang suporta ng mga mula sa loob ng football field. 

“Thank you for all the love in these 20 years. I'm going to miss hearing them from the inside. Now I'm going to be one more of you, encouraging and always benching from the outside,” ‘ika niya. 

“I leave with the tranquility and pride of having given you, together with my colleagues, dreamy moments. It was crazy to have experienced it with you guys. I love them!” pagtatapos pa niya. 

Paglilinaw ni Messi, sinulat niya raw ang retirement letter na ito bago pa man magsimula ang World Cup finals nila noon kontra sa Spain. 

Nagpasalamat naman ang mga kababayan at tagasuporta ni Messi sa mga nagawa niya para sa kupunan ng Argentina.