September 01, 2026

Home FEATURES Mga Pagdiriwang

‘It’s time!’ Mga gawing Pinoy tuwing pumapasok ang ‘Ber Months’

‘It’s time!’ Mga gawing Pinoy tuwing pumapasok ang ‘Ber Months’
Photo courtesy: Unsplash

Handa na ba ang lahat sa pinakamaaga at pinakamahabang “Merry Christmas?”

Bilang bansang kinikilala sa pagkakaroon ng “longest Christmas celebration” sa buong mundo, naging parte na ng tradisyong Pinoy na opisyal na simulan ang pagdiriwang ng Pasko mula Setyembre hanggang Enero 6. 

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Ano ang ‘Three Kings’ Day’ at bakit nasa Enero ito?

Bagama’t sa mga buwang ito kadalasang nananalasa ang malalakas na ulan dala ng Habagat at mga bagyo sa Pilipinas, hindi nawawala ang makukulay at grandeng paggunita sa Kapaskuhan. 

Kaya ngayong Setyembre, narito ang ilan sa mga kilalang nakagawiang tradisyon ng mga Pinoy tuwing sumasapit ang “Ber Months:” 

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Mga sports na budget-friendly at maaari mong subukan!

Pagsasabit ng Christmas decors sa mga kabahayan at establisyimento 

Pagtungtong pa lang ng unang araw ng Setyembre, makikita na ang mga kumukutitap na parol, garlands at Christmas lights sa mga kabahayan, kalsada, at iba’t ibang establisyimento sa Pilipinas. 

Sa ilang parte pa ng bansa, nagbubukas at dinadayo ng publiko ang Christmas villages.

Isa na rito ay ang sikat na “Christmas Capital” ng Pilipinas, ang lungsod San Fernando, Pampanga kung saan ginagawa ang mga grandeng parol at ibinibida sa “Giant Lantern Festival” o “Ligligan Parul” tuwing Disyembre. 

MAKI-BALITA: Pampanga idineklarang ‘Christmas Capital of the Philippines’

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Bakit tinaguriang Christmas Capital ng bansa ang San Fernando City, Pampanga?

Pagpapatugtog ng Christmas songs

Kasabay ng paglabas ng mga Pamaskong palamuti, maririnig na rin sa social media at mga radyo ang mga Pamaskong tugtugin. 

Kilalang-kilala sa larangang ito ay sina Jose Mari Chan, na kinilalang “Father of Philippine Christmas Music,” “Father of Christmas Carols,” at “King of Christmas Carols” at si Mariah Carey na itinuturing na “Queen of Christmas” sa buong mundo dahil sa kanta niyang “”All I Want for Christmas Is You” na inilabas noon pang 1994. 

MAKI-BALITA: Jose Mari Chan at Mariah Carey: Hudyat ng 'Ber Months' sa Pinas

Pagdaraos ng malalaking salo-salo 

Hindi rin nawawala sa mga Pinoy ay ang malalaking salo-salo dahil bukod sa mga inihahaing handa tulad ng lechon, ham, at queso de bola, dito rin nagtitipon ang mga miyembro ng pamilya. 

Nakagawian nang idaos ng bawat pamilyang Pinoy ang Noche Buena tuwing Disyembre 24. 

Kasunod nito ang Media Noche na idinaraos naman pagtungtong ng Disyembre 31 bilang pagsalubong sa bagong taon. 

Pagdalo sa Christmas Parties 

Tuwing “Ber Months” din, hindi nawawala ang Christmas Parties sa maraming pamilya, paaralan, at kompanya. 

Inaabangan ito ng marami dahil sa raffles at exchange gifts na nilalagyan ng iba’t ibang pakulo tulad ng Dirty Santa, Gift Grabbing, Monito Monita, at money envelope. 

MAKI-BALITA: ALAMIN: Christmas gift ideas na may silbi sa reregaluhan mo

Pagkumpleto sa Simbang Gabi 

Ang Simbang Gabi o “Misa de Gallo” ay siyam na araw ng pagsisimba na ginagawa ng mga Katolikong Pinoy bago ang Disyembre 25. 

Sinisimulan ito ng Disyembre 16 hanggang 24 at sa mga araw na ito ay makikita sa mga simbahan ang makabuluhang depiksyon ng belen, bilang pag-alala sa kapanganakan ni Hesus. 

Pamimigay ng aguinaldo sa mga inaanak

Ang gawing ito ay kadalasang ginagawa ng mga ninong at ninang na binibisita ng kanilang mga inaanak kasama ang mga magulang nila. 

Katulad ng paghahanap ng ireregalo sa exchange gift sa Christmas Parties, kadalasang mabusisi rin ang maraming ninong at ninang sa pamimili ng aguinaldo para sa kanilang mga inaanak. 

Kaya ang ilan, mas minamabuti na lang na magbigay ng pera. 

MAKI-BALITA: ALAMIN: Mga pamaskong aguinaldo na kasya sa ₱500

Pagkuha ng 13th Month Pay o Christmas Bonus mula sa trabaho 

Mula sa 13th Month Pay o Christmas Bonus kadalasang kinukuha ng mga empleyado ang kanilang panggastos sa Christmas Parties, family reunion sa mga salo-salo, at pagbili ng mga regalo sa kanilang mga inaanak. 

Ayon sa Labor Advisory No.16, series of 2025 ng Department of Labor and Employment (DOLE), ang 13th Month Pay ay benepisyo ng pamahalaan sa lahat ng empleyadong nakapagtrabaho nang kahit isang buwan sa kanilang kompanyang pinagtrabahuhan. 

Saad pa sa batas, kinakailangan itong ibigay sa mga empleyado bago o hanggang Disyembre 24. 

MAKI-BALITA: ALAMIN: ‘Required’ ba na magbigay ng 13th Month Pay ang mga kompanya tuwing Holiday Season?