September 01, 2026

Home FEATURES Trending

‘Baha ka lang, nagmamahalan kami!’ Kasal sa Bulacan, itinuloy kahit binaha

‘Baha ka lang, nagmamahalan kami!’ Kasal sa Bulacan, itinuloy kahit binaha
Photo courtesy: Ang Tinig - St. John the Baptist Parish Hagonoy, Bulacan (FB)

Nagmistulang eksena sa pelikula ang pag-iisang dibdib ng isang magkasintahan sa Hagonoy, Bulacan matapos nilang suongin ang lagpas-tuhod na baha, matuloy lang ang kanilang kasal. 

Sa nag-viral na mga litratong kuha ng St. John the Baptist Parish Hagonoy, Bulacan nitong Martes, Setyembre 1, makikitang nakangiting naglakad papuntang altar ang bride at entourage sa kabila ng mataas na baha sa loob ng parokya. 

Sa caption din ng parokya, ibinahagi nilang bago pa man magsimula ang kasal ay pinayuhan na ng kanilang pamunuan ang magkasintahan na i-reschedule ang kanilang kasal. 

Ngunit dahil sa ilang personal na dahilan, nagdesisyon ang dalawa na ituloy ang kanilang pag-iisang dibdib. 

Ayon pa sa parokya, ipinaayos ng bride ang gown niya at pinaikli ito para hindi maging sagabal sa lalakaran niyang “water aisle.” 

Trending

#BalitaExclusives: Pottery shop sa Pampanga, ‘back to zero’ matapos malubog sa baha!

Isang portable speaker na rin ang ginamit ng simbahan dahil wala pang kuryente sa kanilang lugar at para mas maging espesyal ang okasyon, nagkaroon pa rin ng ilang dekorasyong bulaklak sa mga bangko. 

“Isang eksenang parang sa pelikula mo lang masasaksihan, hindi alintana ang mga balakid at mga pagsubok, hahamakin ang lahat para sa pagmamahal, susuungin ang baha, maitawid lamang ang pangako na ang dalawang pusong umiibig, sa harap ng altar dudulog at magiging opisyal na Mr. & Mrs.!” pagbati ng parokya sa pagtatapos ng kanilang mensahe.