Naglabas ng sentimyento ang isang guro mula sa Valenzuela City dahil sa mga pasaway na evacuees na tila sinaula umano ang classroom na tinuluyan sa gitna ng sunod-sunod na pag-ulan dulot ng Habagat.
Sa isang Facebook post ni Ariel Namoro Catarina Perino noong Lunes, Agosto 31, ibinahagi niya ang serye ng mga larawan bilang patunay sa ginawang pambubusabos sa classroom.
“Lahat ay nagkaproblema nitong mga nakaraang araw ng dahil sa BAHA... kaya naman ang paaralan ay tumatanggap ng Evacuees pero katulad ng mga nakaraang pangyayari,” saad ni Ariel.
Dagdag pa niya, “Naulit nanaman kung hindi mawawalan ng gamit eh masisiraan naman... anong klaseng utak meron kayo deserve nyo BAHAIN PALAGI di kayo aasenso...
Umani tuloy ng samu't saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Kaya saming paaralan. Nililista ang tunay na pangalan. Para kung sakaling may mawala, mahira or what so ever. Sila ang ipapatawag para ayusin o replace ang gamit ng school"
"rabe kaya maiintindihan natin 1 day d n papayag school n gawin clang evacuation.dpt kc tlg gumawa LGU ng malaking evacuation pr s mga kalamidad every yr. Nangyayari yn d b tlg kaya magawan ng paraan"
"Dapat d n lng pag evacuatee sa school."
"i empty muna ng skuls ang bawat room at itambak sa isang room like faculty office mga mahahalaga at mamahalin na gamit tulad ng tv, electric fan at chairs ganun lang"
"Next time cguro paalalahanan ng LGU ang mga evacuees na ingat ang mga gamit sa loob ng paaralan."
"kaya ms oky p s court nlng sla n may portable cr eh..pano m kakaawaan yan tsk tsk"
Samantala, ayon pa kay Ariel, binisita naman daw agad ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian ang paaralan at ipinangakong papalitan ang lahat ng nasirang telebisyon.
Bukod dito, paiimbestigahan din daw ng alkalde ang mga pasaway sa likod ng pambabalahurang ito.