September 01, 2026

Home SHOWBIZ

Urirat ni Kim Chiu: Saan napupunta ang pera ng bayan?

Urirat ni Kim Chiu: Saan napupunta ang pera ng bayan?
Photo Courtesy: Kim Chiu, Zaldy Co (FB)

Naglabas ng sentimyento si “It’s Showtime” host Kim Chiu dahil sa sunod-sunod na pag-ulan na nagdudulot ng pagbaha sa maraming lugar sa PIlipinas.

Sa isang X post ni Kim noong Linggo, Agosto 30, inusisa niya kung nasaan ang pera ng taumbayan na dapat sana ay inilalaan sa mga proyektong magsisilbing proteksyon sa pagdating ng sakuna.

“Bilang mamamayang Pilipino, nagbabayad tayo ng TAX. Kaya may karapatan tayong magtanong: Saan napupunta ang pera ng bayan? Nasaan ang maayos na paghahanda? Nasaan ang mga proyektong dapat sana ay nagpoprotekta sa atin?” saad ni Kim.

Hindi naman itinanggi ng “It’s Showtime” host na natural na penomeno ang ulan at bagyo sa Pilipinas, pero aniya ay hindi dapat nagiging normal ang paulit-ulit na pagdurusa ng mga Pilipino.

Dagdag pa niya, "Minsan pakiramdam ko, ang Diyos at ang kalikasan na mismo ang nagpapaalala sa atin na may mga bagay tayong kailangang makita, tanungin at baguhin."

Tsika at Intriga

Vice Ganda, Heart iniintrigang nagdedmahan sa concert ni Yeng

Kaya naman, paalala niya sa mga kababayan, huwag kalimutan ang mga nangyari ngayon kapag humupa na ang baha at huminto na ang ulan. 

“Huwag nating kalimutan ang mga pamilyang inanod ang bahay, ang mga nawalan ng kabuhayan, at ang mga Pilipinong kailangang magsimulang muli mula sa wala," dugtong pa ni Kim.

Matatandaang minsan na ring bumoses si Kim sa pamamagitan ng social media para pangalagaan ang mga bundok na nagsisilbing proteksyon sa Luzon at nagpapahina sa malalakas na bagyong pumapasok sa bansa.

Maki-Balita: Kim Chiu, pinuri 'guardians of Luzon:' 'Sana ganun din nasa itaas!'