August 31, 2026

Home BALITA National

DepEd Sec. Angara, umapela sa mga magulang: Tahanan unang depensa vs. karahasan

DepEd Sec. Angara, umapela sa mga magulang: Tahanan unang depensa vs. karahasan
Photo Courtesy: via MB

Nanawagan si Department of Education (DepEd) Sec. Sonny Angara sa mga magulang upang kasama ring umaksyon laban sa banta ng karahasan sa loob ng mga paaralan sa bansa.

Sa pahayag na inilabas ng DepEd sa kanilang opisyal na website nitong Lunes, Agosto 31, sinabi ni Angara na tahanan umano ang pangunahing depensa laban sa pisikal na pamiminsala sa kapuwa.

“Hindi natin kayang solusyunan ang karahasan sa mga paaralan kung sa loob lang ng classroom tayo kumikilos. Ang tahanan ang ating unang depensa,” saad ni Angara.

Dagdag pa ng kalihim, "Kausapin natin ang ating mga anak araw-araw, pakinggan natin ang kanilang mga pinagdaraanan, at makipag-ugnayan tayo sa kanilang mga guro at paaralan."

Ayon sa kaniya, kailangan umanong matutunang pansinin ang mga red flags at pagbabago sa gawi ng bata bago pa man sila humantong sa pananakit o pang-aabuso. 

National

Death toll ni 'Luis,' 'Maymay,' 'Neneng,' at habagat, 33 na!—OCD

"Ipadama natin sa kanila na hindi sila nag-iisa," dugtong pa ni Angara.

Pinalawak ng DepEd ang Kaagapay Program sa ilalim ng DepEd Memorandum No. 002, s. 2026 para patatagin ang frontline defense na ito kasabay ng pagpapatupad ng  Parent Effectiveness Service (PES) Program sa ilalim ng Republic Act No. 11908.