August 31, 2026

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

'Case closed!' Vehnee Saturno, nag-react sa sorry ng taga-TV5 dahil sa kanta

'Case closed!' Vehnee Saturno, nag-react sa sorry ng taga-TV5 dahil sa kanta
Photo courtesy: Screenshot from Vibe, Vehnee Saturno (FB)/MB

Tinuldukan na ng composer na si Vehnee Saturno ang pagsita niya sa TV5 at musical program nitong "Vibe" matapos palagan ang pagpapasalamat ng singer na sy Dylan Menor kay OPM singer-actor Ariel Rivera, sa launching ng awiting "Sa Aking Puso" bilang cover song.

Usap-usapan kasi ang social media post ng batikang composer noong Linggo, Agosto 30, matapos niyang sitahing pinasalamatan ni Dylan si Ariel na siyang orihinal na umawit nito, gayong siya ang kompositor o lumikha ng nabanggit na awitin.

"Was able to watched the launching of Sa Aking Puso by Dylan Menor, si Ariel Rivera ang pinasalamatan ? Ba’t ganon?" pahayag ni Vehnee.

"I’m the COMPOSER of the song ! Paki linaw po VibePh Tv5 and Universal Music. Parang MALI !" dagdag pa niya.

Photo courtesy: Screenshot from Vehnee A. Saturno/FB

Musika at Kanta

Carmelle Collado, pambato ng Pinas sa Eurovision Asia

Nitong Lunes, Agosto 31, ibinahagi ni Vehnee ang ipinadalang mensahe sa kaniya mula sa TV5, na humihingi ng sorry.

Mababasa sa screenshot, "Wanted to apologize po on behalf of the program. Pasensya na po sa nangyari sa launch ng Sa Aking Puso."

Dagdag pa, "This won't happen again po because we deeply respect all OPM musikeros po."

Matipid na tugon ng kompositor, "Thanks."

"I appreciate your replies, Sir," tugon naman nito.

Ibinahagi ito ni Vehnee, at mababasa sa kaniyang post na "case closed" na ang nabanggit na isyu.

"Let’s finish the issue about Sa Aking Puso of Dylan Menor. This is the message of Jillmer from Tv5," saad ng composer.

"Case Closed. Salamat Po sa lahat who are willing to help uplift OPM," aniya pa.

Photo courtesy: Screenshot from Vehnee A. Saturno/FB