Napili si dating “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0” housemate Carmelle Collado bilang kinatawan ng Pilipinas sa kauna-unahang “Eurovision Song Contest Asia 2026.”
Ang Eurovision ay isang international song competition na inoorganisa taon-taon ng Europena Broadcasting Union simula 1956.
Sa ginanap na selection night noong Linggo, Agosto 30, itinanghal ni Carmelle ang kanta niyang "Sobra-Sobra."
Nakatakda siyang makipagtagisan ng husay sa mga pambato ng Bhutan, Malaysia, Korea, Nepal, Laos, Thailand, at Bangladesh.
Gaganapin ang grand finals ng naturang kompetisyon sa Nobyembre 14, 2026 sa Bangkok.
Matatandaang bago pa man maging housemate sa Bahay ni Kuya, si Carmelle ay itinanghal na grand champion sa “Tawag ng Tanghalan: The School Showdown” noong Enero 2025.
Pero bago pa man makasampa sa entablado ng TNT, pinanday na siya ng maraming patimpalak, kabilang na ang nilahukan niyang “The Voice Kids Season 4” noong 2019.
Basahin: KILALANIN: Sino si Carmelle Collado?