August 30, 2026

Home BALITA National

Palasyo dinepensahan si PBBM: 'Sa gitna ng matinding pag-ulan, patuloy ang kaniyang pagbabantay'

Palasyo dinepensahan si PBBM: 'Sa gitna ng matinding pag-ulan, patuloy ang kaniyang pagbabantay'
Photo courtesy: RTVM/YT, Bongbong Marcos/FB


Ipinagtanggol ng Malacañang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. matapos itong umani ng kritisismo hinggil sa pagresponde nito sa malalakas na paghagupit ng ulan sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Matatandaang lumabas sa social media ang video ni PBBM na kumakanta sa birthday celebration ni First Lady (FL) Liza Araneta-Marcos noong Agosto 26.

Sa isang pahayag na ibinahagi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro nitong Linggo, Agosto 30, idiniin niyang tutok ang Pangulo sa kalagayan ng bansa—sa gitna ng epekto ng mga pag-ulang dala ng enhanced southwest monsoon o habagat.

"Laging tutok ang Pangulo sa sitwasyon. Mino-monitor ang kalagayan ng mga kababayan natin at ng mga bayan na apektado,” saad ni Usec. Castro.

Aniya, ang pagbibigay-oras ng Pangulo sa kaniyang pamilya ay hindi umano nangangahulugang tumitigil na ito sa pagtatrabaho.

"Ang Pangulo ay Pangulo saan man siya naroroon. Ang paglalaan ng ilang oras para sa kaniyang pamilya ay hindi nangangahulugang tumitigil ang kaniyang tungkulin o ang operasyon ng pamahalaan,” aniya.

National

Tinatayang ₱700B sa 2027 national budget, markado bilang 'red flag!'

"Sa gitna ng matinding pag-ulan, patuloy ang kaniyang pagbabantay at pag-uutos sa mga ahensya upang matiyak ang kaligtasan at agarang pagtulong sa ating mga kababayan,” giit pa ni Usec. Castro.

Matatandaang nakaranas ng malalakas na pag-ulan at matataas na pagbaha ang ilang bahagi ng bansa matapos ang ulang idinulot ng habagat—partikular na ang Metro Manila, Central Luzon, at iba pang karatig-rehiyon.