August 30, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Never forget daw! Dennis Trillo, kinumusta mga nagnakaw sa flood control projects

Never forget daw! Dennis Trillo, kinumusta mga nagnakaw sa flood control projects
Photo courtesy: MB

Umani ng reaksiyon at komento mula sa mga netizen ang simpleng pangungumusta ni Kapuso Drama King Dennis Trillo sa mga sangkot na kurakot sa maanomalyang flood control projects.

Sa Facebook post ni Dennis nitong Linggo, Agosto 30, "feeling nostalgic" daw ang aktor sa pag-alala sa mga "nagnakaw" sa nabanggit na flood control scam, dahil sa patuloy na pananalasa ng southwest monsoon o habagat, na nagdulot ng matinding pagbaha sa maraming mga lugar sa bansa, lalo na sa bandang Luzon.

Mababasa sa verified account ng award-winning actor, "Kamusta na kaya yung mga nagnakaw sa mga flood control projects?"

May hashtag naman ang post na "Never Forget."

Photo courtesy: Screenshot from Dennis Trillo/FB

Tsika at Intriga

Lyn Ching sa di naitagong pagkadismaya sa baha sa Bulacan: 'I'm done being nice!'

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Masarap ang tulog, masarap ang kinakain, maganda ang mga suot nilang damit, nasa magagarang mansyon."

"Nakapag-abroad na at nakabili ng mga ari-arian na."

"Ayun masarap ang tulog dahil malamig daw ang panahon dipa malunod sa baha eh ng makarandam Lol."

"Pakape kape prenteng nakaupo habang nanonood."

Ang tinatawag na “flood control project scam” sa Pilipinas ay tumutukoy sa malawakang imbestigasyon sa mga umano’y anomalya sa paggamit ng pondo para sa mga proyektong pangontra sa baha—kabilang ang mga proyektong sinasabing ghost projects, substandard, overpriced, o hindi talaga nakatulong sa pagbaha.

Sa tuwing umuulan at bumabaha, muling nanunumbalik sa alaala ng mga tao na hanggang sa kasalukuyan, wala pa ring "big fish" o sangkot na politikong nakukulong dito.