August 30, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Lyn Ching sa di naitagong pagkadismaya sa baha sa Bulacan: 'I'm done being nice!'

Lyn Ching sa di naitagong pagkadismaya sa baha sa Bulacan: 'I'm done being nice!'
Photo courtesy: Screenshots from Lyn Ching (FB)

Usap-usapan ang "Unang Hirit" host na si Lyn Ching dahil sa hindi naitagong pagkadismaya at pagiging sarkastiko nang ibalita kung gaano kalala ang pagbaha sa Hagonoy, Bulacan, matapos niyang personal na makita ang kalagayan ng mga residente sa lugar.

Sa kaniyang live report para sa Unang Hirit noong Biyernes, Agosto 29, makikitang sakay si Lyn Ching ng bangka habang nakasuot ng raincoat at life jacket.

Habang inilalahad ang sitwasyon, sinabi niyang hindi na bago para sa mga residente ang ganitong kalagayan dahil umano sa tagal ng pananatili ng baha sa lugar.

“Actually, the flooding here has been going on for about two years already. So can you imagine living for two years with the floodwaters never going away?” aniya.

Ayon kay Ching, umaabot umano sa baywang ang tubig sa ilang bahagi, habang may mga lugar na hanggang dibdib na ang baha. Tinukoy rin niya ang sitwasyon bilang isang “new normal” na hindi dapat tanggapin ng mga residente.

Tsika at Intriga

Never forget daw! Dennis Trillo, kinumusta mga nagnakaw sa flood control projects

“This is the ‘new normal’ that should not be accepted because it really shouldn’t be this way, right?”

Sa isa pang bahagi ng kaniyang report, napansin ni Ching na tila nagagawa pa ring ngumiti ng mga tao sa kabila ng kanilang nararanasan. Ngunit para sa mamamahayag, hindi dapat maging dahilan ang pagiging palabiro o pagiging “resilient” ng mga Pilipino upang balewalain ang problema.

“You know, it’s just nice to laugh in the morning because we are resilient people. But that should not be an excuse for anyone, right?”

Sinabi niyang umaasa siyang may magbabago at mapapabuti ang sitwasyon ng mga residenteng matagal nang nakararanas ng pagbaha.

Kalaunan, habang nagpapatuloy ang kaniyang report, sinabi rin ni Ching na bagama’t nakangiti sila sa harap ng kamera, nananatiling mabigat ang sitwasyon sa lugar.

“We’re just smiling. We automatically smile. But actually, it’s a miserable morning for everybody here.”

Kitang-kita naman sa ekspresyon ng mukha at tono ng pananalita ni Ching ang sarkasmo at pagkadismaya dahil sa paulit-ulit na bahang hanggang ngayon, hindi pa rin masolusyunan. 

Matapos ang kaniyang live report, ibinahagi rin ni Ching ang coverage sa kaniyang Facebook page. Sa caption, sinabi niya, "When you can’t school your face and sarcasm is no longer a choice. Truth is always the best course.”

Dahil dito, naging usap-usapan online ang kaniyang tila sarkastiko ngunit mapanuring tono, na hindi lamang nakatuon sa mismong pagbaha kundi sa matagal nang problema ng mga residente.

Sa isa pa niyang Facebook post, aniya, “Sarcasm is etched in my bones. And honesty. That's all."

Marami naman ang nagulat sa mga binitiwang pahayag ni Lyn dahil kilala siya sa pagiging "sweet."

Pero aniya, "Sometimes, you shouldn’t stay quiet. I’m done being nice."

Photo courtesy: Screenshot from Lyn Ching/FB

Game din na nakipagbardagulan at sumagot si Lyn Ching sa mga umookray naman sa kaniya.

"Guys I’m 53. More than Half my life is done," paliwanag ng journalist.

"If I can’t be honest Then i’d rather not speak. But if you ask me to talk, I can be polite Or i can be brutal. I’m too old for this sh*t," aniya pa.

Photo courtesy: Screenshot from Lyn Ching/FB