August 30, 2026

Home SHOWBIZ

Barbie Forteza, ekis pagbibigay ng tiyansa sa cheater

Barbie Forteza, ekis pagbibigay ng tiyansa sa cheater
Photo Courtesy: Barbie Forteza (FB)

Nagbigay ng pananaw si Kapuso star Barbie Forteza tungkol sa pagbibigay ng pangalawang pagkakataon sa mga manloloko.

Ito ay matapos balikan ni King of Talk Boy Abunda sa recent episode ng “Fast Talk” kamakailan ang tungkol sa naunang pahayag ni Barbie tungkol dito sa ginanap na press conference ng upcoming movie na “Saving Cherry.”

“Kung tama ang aking pagkakaalala, hindi ka naniniwala sa pagbibigay ng pangalawang chance sa cheaters. Talk more about it,” saad ni Boy.

Ayon kay Barbie, “Siguro po sa akin kasi, the way I was raised is that pahalagahan mo ang sarili mo. And that’s what I did. Ini-spoil ko nga ang sarili ko. I treat myself out, ganyan. Kumbaga, gano’n ko kamahal ang sarili ko, e.”

“So loving another person na hindi ko kadugo, hindi ko kaano-ano, wala akong obligasyon para do’n sa taong ‘yon, ta’s niloko mo ’ko, bakit? Di ba? Pinili kita. Hindi kita obligasyon, pero niloko mo ako? Bakit? E, mahalaga ang oras ko,” dugtong pa niya.

Sana maunawaan ang sitwasyon! Ivana Alawi, pumalag sa haters

Naunawaan naman daw ni Boy ang pinanggagalingang ito ni Barbie. Aniya, “I really get that.”

Matatandaang minsan na ring sinabi ng Kapuso star na hindi raw niya isasakripisyo ang lahat ng mayroon siya para lang sa kaniyang partner.

Choice nilang mahalin ako. Dapat compromise. Pinaghirapan ko talaga lahat. For you to ask me to sacrifice everything I worked for...Brad Pitt ka? Charot!” saad ni Barbie.

Sa kasalukuyan, officially single pa rin si Barbie matapos ang breakup nila ni Kapuso hunk actor Jak Roberto noong Enero 2025.

Maki-Balita: 'Brad Pitt ka?' Barbie Forteza, 'di isasakripisyo lahat para sa partner