August 30, 2026

Home BALITA

Atty. Poa nagsalita sa pambabato umano ni VP Sara ng laptop

Atty. Poa nagsalita sa pambabato umano ni VP Sara ng laptop
Photo Courtesy: via MB

Pinabulaanan ni Atty. Michael Poa ang matagal nang kumakalat na intrigang binato umano siya ng laptop ng kliyente niyang si Vice President Sara Duterte. 

Sa pagsalang ni Atty. Poa sa latest episode ng “KC After Hours” noong Sabado, Agosto 29, nausisa ang pagkakaiba ng pagkakakilala niya sa Bise Presidente kumpara sa nababalitaan ng madla tungkol sa asal nito, kagaya halimbawa ng pagbabanta at pagmumura.

"How do you reconcile what you're saying with the images that have been, you know, widely reported already about the Vice President losing her control—nagwawala, nagmumura?” tanong ni Kapamilya broadcast-journalist Karmina Constantino.

“Without going into impeachment, because as you know, I can't talk about the merits,” sagot ni Atty. Poa. “But it's more of, she's a very real person. What you see is what you get. And that's very rare in government, to be honest.” 

“Ngayon, with the things we've heard, I don't know. I didn't see that e, because I'm working with her. So at that time, ang iniisip ko talaga, iba talaga ‘yong socmed, iba talaga ‘yong there are forces at play that try to paint a different picture,” dugtong pa niya.

Internasyonal

DMW, nilinaw na wala pang napapaulat na Pilipinong nasawi sa Nepal

Hindi na rin tuloy naiwasang mahagip sa usapan ang tungkol sa kumalat na kuwentong binato umano ni VP Sara si Atty. Poa ng laptop.

Ayon kay Atty, Poa, mayroon daw siyang ptosis o iyong kondisyon ng paglaylay ng itaas na talukap ng mata. Sa palagay niya, side effect umano ito ng Covid-19 matapos siyang magkaroon nito.

Ngunit ginamit ito ng ilang tao para bumuo ng espekulasyon at ikonekta sa pambabato ng Bise Presidente.

“Everyone is saying, ‘A, kaya hindi pantay ‘yong mata niya kasi nabato siya ng laptop.’ It never happened. Never, never happened,” anang abogado.

Katwiran ni Atty. Poa, kung totoo talagang binato siya ni VP Sara ng laptop, hindi na siya mananatili pa sa poder nito. 

“Hindi na,” sabi niya. “Bakit ako mag-stay? Meron naman akong sigurong respeto sa sarili ko. ‘Pag nabato ako, hindi. But she's not like that.”

Matatandaang nagsilbi si Atty. Poa bilang Undersecretary, Spokesperson, at Chief of Staff ng Department of Education (DepEd) sa ilalim ng pamumuno ni VP Sara bilang kalihim nito mula Hulyo 2022 hanggang Hulyo 2024.

Sa kasalukuyan, siya ang tumatayong lead spokesperson at defense counsel ng legal team ng Bise Presidente para sa impeachment trial nito sa Senado.