August 30, 2026

Home BALITA Probinsya

4 na indibidwal na nawawala sa bumagsak na tulay sa Tarlac, hinahanap pa rin!

4 na indibidwal na nawawala sa bumagsak na tulay sa Tarlac, hinahanap pa rin!
Photo courtesy: Tarlac City Government (FB)

Nagpapatuloy ang “search, rescue, and retrieval” operations para sa nawawalang apat na indibidwal mula sa bumagsak na Agana Bridge na matatagpuan sa Tarlac River, noong gabi ng Sabado, Agosto 29. 

Batay sa ulat ng Tarlac City local government unit (LGU) nitong Linggo, Agosto 30, pinagtutulungan na ng iba’t ibang ahensya ang paghahanap at pagsagip sa mga nawawalang indibidwal. 

Ngunit sa kasalukuyan, hindi pa kakayaning gumamit ng bangka at floating devices dahil sa malakas na ulan at rumaragasang agos ng tubig, na maaaring maging banta naman sa buhay ng rescuers. 

Saad pa ng LGU, hindi maaaring gumamit ng drone dahil na rin sa masamang lagay ng panahon. 

Samantala, ang mga nasabing nawawalang indibidwal ay kinilala bilang sina Paul Harvey Collado, James Patrick Taborlupa, Shiela Mae Taborlupa, at Shonen Tuhaw. 

Probinsya

₱569M halaga ng flood control sa Zambales, 'di umubra sa Habagat!

Anila pa, ang mga indibidwal na ito ay sakay ng Toyota Avanza at ang kasama nilang si Nathaniel Dizon pa lamang ang nailigtas ng rescue team noong gabi ng Agosto 29.